January 26, 2026

Home BALITA National

Triple jackpot! 3 lotto bettors panalo sa Super Lotto 6/49, Lotto 6/42

Triple jackpot! 3 lotto bettors panalo sa Super Lotto 6/49, Lotto 6/42
PCSO/FB

Not just one, but three lucky winners!

Paldo ang tatlong lotto bettors matapos mapanalunan ang milyon-milyong jackpot prizes ng Super Lotto 6/49 at Lotto 6/42 nitong Huwebes ng gabi, Enero 8, 2026, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa official draw results, dalawa ang nanalo sa Super Lotto 6/49 kung kaya't hahatiin ang premyong ₱104,548,763.10 matapos mahulaan ang winning numbers na 09-11-30-12-24-26. 

Nasolo naman ng isang lucky winner ang premyong ₱10,042,884.60 ng Lotto 6/42 nang mahulaan ang winning numbers na 29-32-13-17-11-09.

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

Ayon sa PCSO, may isang buwan lamang ang lucky winners upang kubrahin ang kanilang premyo mula PCSO head office sa Mandaluyong City. Ipakita lang ang winning ticket at dalawang valid IDs.

Nagpaalala rin ang PCSO na alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, ang lahat ng lotto winnings na lampas ng ₱10,000 ay papawatan ng 20% tax.