January 09, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sinetch itey? Tuesday Vargas, tinalakan lalaking nagsabing 'NPA' daw mga taga-UP

Sinetch itey? Tuesday Vargas, tinalakan lalaking nagsabing 'NPA' daw mga taga-UP
Photo courtesy: Tuesday Vargas (FB), Freepik

Nag-alburuto sa galit ang komedyante at TV host na si Tuesday Vargas sa kaniyang social media post tungkol sa isang lalaking nandawit ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) na miyembro umano ng New People's Army (NPA) ang mga estudyante nito. 

Ayon sa naging pahayag ni Tuesday sa kaniyang Facebook account nitong Huwebes, Enero 8, mariin niyang sinabing huwag idamay ang pangalan ng nasabing pamantasan sa “feeble-minded” na pakikipag-argumento ng lalaking hindi na niya pinangalanan. 

“Do not drag the name of the school into your feeble-minded arguments,” pagsisimula niya. 

Photo courtesy: Tuesday Vargas (FB)

Photo courtesy: Tuesday Vargas (FB)

Tsika at Intriga

Grace Tumbaga, 'unbothered' this 2026: 'Karma hits harder than revenge'

Ani Tuesday, hindi raw NPA ang mga iskolar ng bayan at huwag maniwala ang publiko sa ganoong klase ng kuwento. 

“Hindi NPA ang mga iskolar ng bayan. Huwag po tayong naniniwala basta sa ganitong kwento. Nakakahiya ka Kuya. Kilala mo kung sino ka,” diin niya. 

Komento pa ni Tuesday sa sarili niyang post, ita-tag niya raw sana ang pinapasaringan niyang lalaki ngunit masama raw ang pumatol sa umano’y kabilang sa Person With Disability (PWD). 

“Ita tag ko na sana kaso in bad form kasi di tayo dapat pumapatol sa PWD. Pero Kuya naman, napaka babaw ng argumento mo at isang lupon pa ng mga di nag iisip din ang kasama mo sa comsec na nakiki isa sa iyo. Umayos ka!” patatapos niya. 

Tila kinampihan naman ng netizens ang naturang pahayag ni Tuesday tungkol sa nasabing lalaki. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa post ng TV host: 

“Well i guess those people were not able to enroll in State University 'cause they can't passed the exam like we did. Sabi nga nila ang latang maingay pihadong walang laman.” 

“Siyempre bobong DDS yan. Mas maniniwala sa propaganda kesa facts. E Mas maraming coño kids sa UP kesa actual NPA.” 

“They're grasping at straws at this point. Mema na lang talaga sila” 

“2026 na, yan pa din ang mindset?” 

“Noong 2000, nagkaroon ng student survey sa UP Diliman kung ano ang mga problema ng campus. Parking ang lumabas na top problem. Tapos 25 years after, tuloy pa rin ang narrative na NPA?” 

“DDS NARRATIVE YAN. SA DAMI NG POLITIKO NA GUSTO MANGAMKAM NG LUPA NG INDEGENOUS PEOPLE NA WALANG LABAN. ANG KAKAMPI LANG NILA NPA.. ANG MASAKIT PILIPINO LABAN SA KAPWA PILIPINO DAHIL NEED SUNDIN MGA KUPAL NA POLITIKO.” 

“Kaya may rebellion dahil sa pang aabuso ng gobyerno, paunlarin ang bansa at kusang mawawala mga yan” 

“I salute all iskolar ng bayan. Sila kasi yong mulat sa tunay na estado ng buhay sa pilipinas kasi most of them naranasan ang kahirapan at pang aabuso. Very immature to drag their names to such issues. They don’t deserve it.” 

MAKI-BALITA: 'As a nation di tayo makausad!' Tuesday sinita mga 'eksenang airport' ng Pinoy

Mc Vincent Mirabuna/Balita