January 21, 2026

Home BALITA Metro

Pumanaw na guro sa class observation, 'remarkable educator at cherished mentor'

Pumanaw na guro sa class observation, 'remarkable educator at cherished mentor'

Ipinahayag ng Department of Education (DepEd) Schools Division of Muntinlupa ang matinding pagdadalamhati sa pagpanaw ng isang seasoned teacher matapos mahimatay habang isinasagawa ang isang class observation sa kaniya noong Enero 7, 2026.

Ayon sa pahayag na makikita sa opisyal na Facebook page ng schools division, si Ms. Agnes Buenaflor ng Pedro E. Diaz High School ay hindi lamang isang mahusay na educator kundi isa ring minamahal na mentor na nag-iwan ng malalim na impluwensiya sa buhay ng maraming mag-aaral at kapwa guro sa Pedro E. Diaz High School.

"It is with deep sorrow and heavy hearts that we share the tragic news of the passing of our esteemed teacher, Ms. Agnes Buenaflor who lost her life while fulfilling her dedication to education within our school community on January 7, 2026. Ms. Buenaflor was not only a remarkable educator but also a cherished mentor who profoundly impacted the lives of countless students and colleagues alike," anila.

Agad umanong rumesponde ang mga kawani ng paaralan nang mangyari ang insidente. Nagbigay sila ng paunang lunas at tiniyak na maisugod si Ms. Buenaflor sa ospital para sa agarang medikal na atensyon. Sa kabila ng mabilis na pagkilos at pagsisikap ng lahat, mariing ipinahayag ng DepEd na hindi na ito nakaligtas.

Metro

Intramuros, mapupuno ng pagtatanghal buong taon—NCCA

Kaugnay na Balita: Guro, patay matapos mahimatay habang nagka-class observation sa kaniya

"In response to this unforeseen event, staff from Pedro E. Diaz High School acted swiftly, administering first aid and ensuring that Ms. Buenaflor was transported to the hospital for urgent medical attention. Despite our collective efforts and hope, we are heartbroken to report that she did not survive," paliwanag nila.

Kinilala rin ng DepEd ang malalim na kalungkutan na nararamdaman ng lahat ng nakakilala sa yumaong guro at hinikayat ang komunidad na magbuklod at magkaisa bilang paggalang sa kanyang naiambag at iniwang pamana sa edukasyon.

Nanawagan naman ang ahensiya ng pag-unawa at paggalang sa privacy ng pamilya habang pinagdaraanan nila ang mabigat na pagkawala.

Ang pahayag ay nilagdaan ni Violeta M. Gonzales, Officer-in-Charge, Schools Division Superintendent ng Division of Muntinlupa, na nagpahayag ng kaniyang pinakamalalim na pakikiramay sa ngalan ng buong kagawaran.

Samantala, nagbigay rin ng kaniyang opisyal na pahayag ang Teacher's Dignity Coalition (TDC) tungkol sa insidente. Nanawagan sila sa DepEd na i-review ang pagsasagawa ng class observations sa mga guro, lalo na sa mga seasoned teacher o matagal na sa tungkulin.

Kaugnay na Balita: DepEd, kinalampag! Teachers’ group, nakiramay sa naulila ng gurong namatay sa gitna ng class observation