Pinalawig pa ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno ang Pahalik sa Poong Jesus Nazareno hanggang Sabado, Enero 10, 2026.
Ito ay upang mabigyan pa ng pagkakatoon ang mga deboto na makalapit at makahawak sa Poong Jesus Nazareno sa Quirino Grandstand sa Maynila.
Ayon sa Quiapo Church, pinalawig nila hanggang Enero 10, ika-10 ng umaga ang Pahalik. Gayunpaman, walang magbabago sa iskedyul ng Traslacion.