Papayagan ng Light Rail Transit 1 (LRT-1) at 2 na sumakay nang nakapaa ang mga debotong makikilahok sa taunang Pista ng Poong Hesus Nazareno.
Sa isang pahayag noong Miyerkules, Enero 7, sinabi ng LRT-1 na puwede raw ang pagsakay ng mga naturang pasahero.
“LRT-1 is allowing barefoot passengers to accommodate devotees participating in the Feast of Jesus Nazarene. Ingat po sa biyahe,” saad ng LRT-1.
Sa hiwalay na anunsyo nitong Huwebes, Enero 8, inilahad naman ng LRT-2 na ito raw ay parte ng kanilang pakikiisa sa Translacion 2026.
“Bilang pakikiisa sa Kapistahan ng Poong Nazareno, papayagan ang mga debotong nakayapak na makikibahagi sa Traslacion ng Itim na Nazareno na sumakay sa LRT Line 2 sa Enero 8-9, 2026,” anang LRT-2.
“Kasabay nito, ipatutupad pa rin ang ‘No Inspection, No Entry’ policy bilang bahagi ng mahigpit na seguridad sa lahat ng istasyon,” dagdag pa nila.
“Mananatili ang regular na oras ng operasyon ng LRT Line 2 sa naturang araw. Patuloy na magsisilbi ang LRT-2 bilang katuwang ng mga deboto sa kanilang ligtas na biyahe,” pagtatapos nila.
Photo courtesy: Light Rail Transit Authority-LRT Line 2/FB
Vincent Gutierrez/BALITA