January 24, 2026

Home FEATURES Trending

Lalaking pumasa sa Bar Exam, muntik nang maging unang kliyente si Lord; kinatuwaan!

Lalaking pumasa sa Bar Exam, muntik nang maging unang kliyente si Lord; kinatuwaan!
Photo courtesy: Nurj (TikTok)

Kinatuwaan ng netizens ang tila kuwelang reaksyon ng isang lalaking nakapasa sa 2025 Bar Examination dahil muntik na umano nitong unang maging kliyente si Lord bilang abogado. 

Ayon ito sa inupload at viral na ngayong video ng netizen na nagngangalang “Nurj” sa kaniyang TikTok account noong Miyerkules, Enero 8, 2026. 

“Congrats brother,” saad ni Nurj sa kaniyang kapatid na mapapanood sa naturang video. 

Kasalukuyan nang mayroong mahigit 970k heart reactions at 6.9 million views ang nasabing video ng TikTok user na si Nurj. 

Trending

ALAMIN: Ang pagtaob at pagkawala ng MBCA Amejara sa Davao

Dahil dito, tila ikinatuwa naman ng netizens ang nasaksihan nilang reaksyon mula sa kapatid ni Nurj. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa naturang viral video:

“Pumunta saglit sa taas para magpasalamat kay lord” 

“Muntik na. btw Congratulations po!” 

“Muntik pang ibang tarpaulin yung ipapagawa” 

“Abogado to abo real quick”

“Kakapasa lang mamamatay pa HAHAHAHAHAHAHA” 

“Puma___ ?! A.) sa B.) naw” 

“First client: si lord HAAHAHAHAHAHHAAHAHHA” 

“"Makapasa lang ako rito, p'wede na ako mamatay" */tinupad” 

“Ang laugh ko HQHQHHS di pa nga nagagamit matetegi agad” 

“Hahahahhaha!!! Congrats Atty !!!! Si tatay natawa pero kinabahan naman” 

Matatandaang isinapubliko ng Korte Suprema ang kabuuang 5,594 bilang ng mga nakapasa sa 2025 Bar Examination noon ding Miyerkules, Enero 7, 2026.

Ayon kay Bar Chairperson Justice Amy Lazaro-Javier, aabot sa 48.98% ng 11,420 ng kabuuang bilang ng mga kumuha ng Bar examination ang nakakumpleto ng tatlong araw na pagsusulit na isinagawa noon. 

MAKI-BALITA: ‘Delays are not defeat!’ Tatay na nakapasa sa Bar exam matapos 23 taon, 4 na attempt, nagpaiyak sa netizens!

MAKI-BALITA: ALAMIN: Bar Examination passing rates sa nakalipas na isang dekada

Mc Vincent Mirabuna/Balita