January 09, 2026

Home BALITA

Kasal ng mag-asawang gumamit ng 'AI' sa wedding vows, pinawalang bisa ng korte!

Kasal ng mag-asawang gumamit ng 'AI' sa wedding vows, pinawalang bisa ng korte!

Nagpasya ang isang korte na ideklarang walang bisa ang isang kasal matapos matukoy na gumamit ang mag-asawa ng isang artificial intelligence (AI)-generated wedding vows sa seremonya ng kasal nila.

Sa desisyong inilathala nitong Enero 2026, sinabi ng  Netherlands Court na ang seremonya ng kasal na ginanap noong Abril 19, 2025 sa lungsod ng Zwolle ay hindi tumupad sa mga pormal na requirements na itinatakda ng batas sa kanilang bansa.

Batay sa desisyon, ang civil registrar na nagkasal sa mag-asawa ay may personal na relasyon din sa mga ikinasal. 

Sa kahilingan ng magkasintahan, gumamit ang registrar ng artificial intelligence upang makabuo ng mas “intimate” at personalized wedding vows para sa seremonya.

National

PBBM, bumida sa paglulunsad ng Project AGAP.AI sa QC

Napag-alaman ng korte na hindi naibigay ang sagrado at makatotohanang wedding vows sa kasagsagan ng kasal dahil sa paggamit ng Ai.

Ayon sa batas ng Netherlands, kinakailangang hayagang ideklara ng mag-asawa, sa harap ng civil registrar at mga saksi, na tinatanggap nila ang isa’t isa bilang mag-asawa at nangangakong tutuparin ang lahat ng legal na obligasyon ng pag-aasawa—na galing mismo sa bukal na kalooban ng

Samantala, kinumestiyon ng mag-asawa ang pagpapawalang-bisa sa kasal sa isang petisyong inihain noong Agosto 2025 at,iginiit na hindi nila pananagutan ang pagkukulang at naniwala silang maayos na naisagawa ang seremonya. Hiniling nila sa korte na kilalanin ang kasal bilang isang valid marriage.

Gayunman, sinuportahan ng municipal registrar na sangkot sa kaso ang kahilingan ng public prosecutor na ideklarang walang bisa ang kasal.

"The court acknowledges the importance of the marriage date recorded in the civil registry for the couple,” ayon sa desisyon, "but it cannot deviate from the provisions laid down in the law.”

Sa ilalim ng Article 1:67 ng Dutch Civil Code, ang mga kinakailangang legitimate wedding vows ay isang pangunahing kondisyon para sa isang valid marriage.. Dahil hindi ito naisagawa, nagpasya ang korte na hindi maaaring kilalanin nang legal ang naturang kasal.