January 11, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Grace Tumbaga, 'unbothered' this 2026: 'Karma hits harder than revenge'

Grace Tumbaga, 'unbothered' this 2026: 'Karma hits harder than revenge'
Grace Tumbaga/IG

ANSAVEH?!

Tila "unbothered" na ngayong 2026 ang dating misis ni "Pambasang Kolokoy" Joel Mondina na si Grace Tumbaga, base sa kaniyang social media posts.

Sa kaniyang Instagram post kamakailan, nag-upload siya ng isang video kung saan makikita kaniyang glowing aura. 

"Me into 2026: Healthy, rich, manifesting, glowing, unbothered," nakasaad sa naturang video. 

Tsika at Intriga

Dennis rumesbak para kay Jennylyn, mga magulang: 'Wag naman sana sila bigyan ng isyu!'

Ss isa pang hiwalay na post, mayroon pa siyang in-upload na isa pang video na may nakalagay na texts na: "No REVENGE needed. Just sit back and relax. KARMA hits harder than REVENGE."

"What goes around comes around," sey naman niya sa caption.

Matatandaang bandang 2022 hanggang 2023, ay naging usap-usapan si Pambansang Kolokoy dahil sa hiwalayan nila ni Tumbaga.

Kaugnay na Balita: Vlogger na si 'Pambansang Kolokoy', aminadong hiwalay na sa misis; masaya na sa piling ng iba

Nito lang Disyembre 2025, ikinabigla ng followers at supporters ni alyas "Pambansang Kolokoy" na sumasailalim pala siya ng second cycle ng kaniyang chemotherapy, dahil sa cancer.

Maki-Balita: Followers, nagulat: Pambansang Kolokoy may cancer, nasa 2nd cycle na ng chemo!

Kaugnay na Balita: Kinarma kaya nagkasakit? Pambansang Kolokoy, umalma sa nagsabing dapat humingi siya ng tawad sa 'real family'