January 24, 2026

Home BALITA Metro

DepEd, nakikiramay sa pamilya, mga kasamahan, at mga mag-aaral ni Teacher Agnes

DepEd, nakikiramay sa pamilya, mga kasamahan, at mga mag-aaral ni Teacher Agnes
Photo courtesy: DepEd, via MB

Nagpaabot ng lubos na pakikiramay ang Department of Education (DepEd) nitong Huwebes, Enero 8, sa mga naiwan na kaanak, kasamahan, at mga mag-aaral ni Teacher Agnes Buenaflor, na pumanaw matapos himatayin sa kasagsagan ng class observation sa kaniya kamakailan. 

“The Department of Education extends its deepest condolences to the family, colleagues, and learners of Teacher Agnes Buenaflor of Pedro E. Diaz High School in Muntinlupa City. We mourn the loss of a dedicated educator and stand in solidarity with the school community during this difficult time,” pakikiisa ng ahensya. 

Saad pa ng DepEd, kasalukuyan itong nakikipag-ugnayan sa Pedro E. Diaz High School at pamilya ni Teacher Agnes, para makapag-abot ng agarang-tulong, kabilang ang psychosocial support sa mga naapektuhan na mag-aaral at school personnel. 

“Through the Schools Division Office, we are closely coordinating with the school and the family to provide immediate assistance, including psychosocial support  for affected learners and personnel,” saad ng ahensya. 

Metro

Valenzuela City Councilor, sinita sa umano’y maluhong pamumuhay

Ipinaalala rin ng DepEd na layon ng classroom observations ay bigyang suporta ang mga guro, kaya naniniwala ang ahensya na ang pagtuturo ay dapat ginagawa sa maayos at magalang na pamamaraan, habang sinasalamin ang ang pang araw-araw na pagtuturo sa loob ng classroom, nang walang bahid ng kahit anong kaba o takot. 

“Classroom observation is meant to support teacher growth and shared learning and should be conducted in a supportive, respectful manner that reflects day to day teaching, not as a source of undue pressure,” paalala ng DepEd. 

Bilang tugon naman sa mga matagal nang hinaing ng ilang grupo, binanggit ng DeEd na hindi na lamang classroom observation ang tanging pamantayan sa pagsukat ng teaching performance, dahil tinitimbang na rin ang kalidad ng pagtuturo base sa iba pang aspeto.

Tiniyak ng ahensya na patuloy nitong pag-aaralan ang kanilang mga polisiya at bukas ito sa perspektiba ng mga guro. 

“In response to long standing concerns from teacher groups, classroom observation no longer serves as the sole basis for assessing teacher performance and is now considered alongside other factors. The DepEd will continue reviewing these policies and welcomes constructive input, especially from our teachers,” pagtitiyak ng DepEd. 

Sa pagtatapos ng pahayag, kinilala ng ahensya ang serbisyo ni Teacher Agnes at nagbigay pasasalamat sa pagsasakripisyo ng iba pang mga guro sa ngalan ng edukasyon at pagtuturo. 

“We honor the service of Teacher Agnes and express our gratitude to her, and all to all our hardworking teachers who give so much of themselves every day. The Department remains committed to compassion, transparency, and doing everything we can to support the welfare of our teachers and learners,” pagkilala ng DepEd. 

Matatandaan na sumakabilang-buhay si Teacher Agnes matapos siyang mahimatay habang nagtuturo sa harapan ng klase at dalawang observer.

Ayon sa mga ulat, nakaramdam ang guro ng pagkahilo hanggang sa mahimatay at matumba siya sa sahig na ikinabagok ng ulo niya. 

Agad naman siyang isinugod sa ospital subalit binawian din ng buhay ilang oras lang ang nakalipas. 

MAKI-BALITA: Guro, patay matapos mahimatay habang nagka-class observation sa kaniya

KAUGNAY NA BALITA: Pumanaw na guro sa class observation, 'remarkable educator at cherished mentor'

Sean Antonio/BALITA