January 26, 2026

Home FEATURES Trending

‘Delays are not defeat!’ Tatay na nakapasa sa Bar exam matapos 23 taon, 4 na attempt, nagpaiyak sa netizens!

‘Delays are not defeat!’ Tatay na nakapasa sa Bar exam matapos 23 taon, 4 na attempt, nagpaiyak sa netizens!
Photo courtesy: Ali (TikTok)

Nabagbag ang damdamin ng netizens tungkol sa pagpasa sa Bar Exam ng isang tatay matapos ang 23 taon at apat (4) na beses nitong pagtatangka mula nang maka-graduate siya sa law school noong 2002. 

Ayon ito sa inupload na video ng netizen na nagngangalang “Ali” sa TikTok noong Miyerkules, Enero 7, kung saan mapapanood ang reaksyon nila ng tatay niya nang makita nito ang pangalan sa listahan ng mga nakapasa sa 2025 Bar Examinations. 

“My dad first took the Bar Exam when he graduated from law school as a working student in 2002. Unfortunately, he didn’t pass. He then started a family, and his dream was put on hold,” mababasa sa simula ng caption ni Ali. 

Anang uploader, muli raw kumuha ng Bar examination ang kaniyang tatay noong 2012 ngunit hindi ito nakapasa sa ikalawang pagkakataon dahil na rin sa pagbabalanse ng trabaho, pagtataguyod sa pamilya, at pagrereview. 

Trending

ALAMIN: Ang pagtaob at pagkawala ng MBCA Amejara sa Davao

“He took the Bar again in 2012, but he admits he wasn’t fully prepared—balancing work, raising kids, and reviewing was difficult,” aniya. 

Matapos nito, muli raw ulit sumubok ang tatay niya noong 2019 ngunit nabigo ito sa ikatlong pagkakataon. 

“He saved money to take the exam again in 2019, only to face another heartbreak,” pagkukuwento niya. 

Makalipas ang 23 taon, tila hindi naubusan ng pag-asa ang tatay ni Ali at pumasa ito, sa wakas, sa ikaapat na pagkakataong pagkuha ng Bar exam nitong 2025. 

“Now, 23 years later, after four attempts (2002, 2012, 2019, 2025), he finally received his longtime prayer,” ‘ika niya. 

“Congratulations, Daddy! Your journey reminds us that delays are not defeat,” pagtatapo pa ni Ali. 

Dahil dito, agad na nag-viral ang naturang video ni Ali at nakapukaw ito sa samu’t saring reaksyon sa netizens. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa naturang post ng uploader:

“Grabi maka tindig balahibo. Congrats po sir. Pa notaryo nadin po” 

“Napakalaki po ng paghanga ko sa mga taong hindi sumusuko kahit pa maraming beses nila ulit pagdaanan ang hirap.. i needed this push.. nakakabilib po si father niyo congratulations po” 

“Nagdrum sya so dalawa na career nya” 

“I cannot imagine the wait. If there’s anyone better than a good lawyer, it’s a lawyer who never gives up. Congratulations po, pañero!” 

“Delay is not denial but a time of preparing you for the promise.” Congrats po, Atty! God truly gave you time to put your life and family first.” 

“Di ko naman kayo pamilya bat ako naiyak dito? baka ako ung upuan” 

“This is is so inspiring for me na prinepressure na ng family to take the bar because what if late na daw and such. But I am still easing into motherhood and enjoying it. Maybe one day ako naman. Thank you for the hope. Congratulations po Atty and family.” 

“Sobrang grateful ni kuya kay Lord to the point na napaluhod pa siya huhu. talagang mas pinili nyang lumuhod to show his gratitude to the Lord at ibalik sa Kanya ang glory na deserve Niya.”

MAKI-BALITA: 'Hangga't buhay, may pag-asa!' 59-anyos na lalaki, pumasa sa Bar Exams matapos 11th attempt

MAKI-BALITA: ALAMIN: Bar Examination passing rates sa nakalipas na isang dekada

Mc Vincent Mirabuna/Balita