January 26, 2026

Home BALITA Metro

‘Basura-free’ na pagdiriwang, pakiusap ng MMDA sa mga dadalong deboto sa ‘Traslacion 2026’

‘Basura-free’ na pagdiriwang, pakiusap ng MMDA sa mga dadalong deboto sa ‘Traslacion 2026’
Photo courtesy: MB, Manila PIO (FB)

Ipinakiusap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga dadalong deboto na gawing “Basura-free” ang Pista ng Poong Hesus Nazareno na gaganapin sa Biyernes, Enero 9. 

Ayon pa sa MMDA, layon ng pakiusap nilang ito na mapanatiling malinis at ligtas ang kapaligiran para sa mga deboto na maglalakad ng naka-paa. 

Narito ang mga paalala na ibinaba ng ahensya para sa malinis na pagdiriwang: 

1. Magdala ng reusable na bote ng tubig at lalagyan ng mga pagkain. 

Metro

Malacañang, nagsalita sa ‘courtesy resignation’ ng mga BI personnel na sangkot sa pag-vlog ng Russian vlogger sa kulungan

2. Ibulsa at i-uwi na lamang ang kalat kung walang makita na basurahan. 

3. Huwag itapon ang kalat kung saan-saan. 

4. Iwasan ang paninigarilyo o paggamit ng vape. 

5. Huwag dumura o umihi sa mga pampublikong lugar.

Tiniyak rin ng ahensya na magpapadala sila ng MMDA Metro Parkways Clearing Group sa mga lugar na pagdarausan ng iba’t ibang aktibidad ng Traslacion para maglinis ng mga maiiwan na kalat. 

Matatandaan na pagkatapos ng Traslacion 2025, umabot sa 382 toneladang basura ang nakolekta ng MetroWaste, Philippine Ecology Systems Corporation (PhilEco), at Department of Public Services, sa lungsod ng Maynila. 

Kaya sa kasalukuyan, nagsagawa ng Special Cleaning Operation ang mga kawani sa lungsod sa iba’t ibang distrito na madadananan ng mga deboto para mapaghandaan muli ang malawakang Traslacion 2026. 

Sean Antonio/BALITA