January 24, 2026

Home FEATURES Trending

#BalitaExclusives: Commuters sa mala-‘Final Destination’ na MRT overcrowding dismayado, nananawagan ng agarang solusyon

#BalitaExclusives: Commuters sa mala-‘Final Destination’ na MRT overcrowding dismayado, nananawagan ng agarang solusyon
Photo courtesy: arvinjosef (TikTok),MB

“This is where our taxes go,” ito ang caption sa post ng isa sa commuters ng overcrowding sa Metro Rail Transit (MRT)-3 na naging usap-usapan kamakailan.

Nag-viral ang isang video sa TikTok na makikitang  halos maipit na ang maraming commuters sa escalator paakyat sa platform ng isang istasyon sa MRT-3, habang may dagsa pang naghihintay sa paparating na tren. 

Sa kasalukuyan, umani na ng 74.4K reacts at 1,319 comments ang nasabing video.

“Muntik na ma-final destination ang mga tao at magkaroon ng stampede. This sentiment over [the] years, overcrowding parang walang control hanggang ngayon. long queues, and a stressful, unsafe commute, as people are forced to cram in,” saad pa sa caption. 

Trending

ALAMIN: Ang pagtaob at pagkawala ng MBCA Amejara sa Davao

Sa eksklusibong panayam ng Balita sa owner ng video at isa sa commuters ng nasabing insidente na si Arvin Joseph Venturanza, ibinahagi niya na 7:25 AM ng Lunes, Enero 5, naganap ang overcrowding sa MRT Cubao Station. 

Aniya, inagahan niya ang pag-alis sa bahay dahil inaasahan niya na ang dagsa ng commuters sa tren dahil unang araw ng pasok galing sa mahaba-habang Christmas break. 

Pagdating pa lang din daw ni Arvin sa istasyon, puno na ng commuters ang istasyon kahit kaaalis pa lamang ng 4-train car. 

“Actually, ‘yong video happened at 7:25 AM at MRT Cubao station, southbound. I’m a resident of Marikina, my regular transportation is MRT talaga. So, as expected kasi, syempre, first day of work mostly ng employees sa Metro Manila. So, 6 AM pa lang umalis na nga ako. I entered the station at around 7:05 AM, tapos parang 30 minutes na akong naghihintay,” saad ni Arvin. 

Ibinahagi pa niya na nang mapansin na mas dumarami pa ang tao, nakiusap na siya sa security guard na i-control na ito dahil nasisingitan na raw sila sa kanilang puwesto sa paghihintay ng tren. 

“No’ng medyo ano na, ang dami nang tao, I asked the security guard, sabi ko, ‘kuya, pa-control naman,’ kasi nasisingitan na kami that time. And then sabi nga sa akin, ‘ang dami po kasing tao.’ So ayon talaga ‘yong first na inireklamo ko sa kanila,” pagkadismaya ni Arvin. 

Napansin din niya na sa pagdating ng isa pang 4-train car, ikinagulat ni Arvin na patuloy pa ang pag-akyat ng commuters sa platform. 

“No’ng parating na ‘yong 4-train car ulit, hindi ko rin kasi alam na may 4-train car na darating. So, ang dami nang umaakyat mula doon sa baba ng station. And then sabi ko, ‘picturan ko nga ‘to.’ Tapos no’ng nakita ko na ang dami nang umaakyat, talagang mapupuno na ‘yong platform, nag-video na ako. I was surprised na gano’n pala ‘yong puwedeng mangyari,” saad ni Arvin. 

Aniya pa, bagama’t palagi raw maraming sumasakay sa MRT Cubao station, madalas, pinahihinto raw muna ang commuters sa ibaba ng platform bago umakyat para maghintay ng tren. Noong mga oras pa lang noon niya nakitang tila naging “out of control” ang dami ng tao dito. 

“I’ve experienced naman din na talagang mag-stop kami sa baba [ng station] before going up to the escalator. So, ayon, parang ngayon lang talaga siya nangyari, na out of control,” saad ni Arvin.

Kaya panawagan ni Arvin sa pamahalaan na sana’y palaging may 4-train car at magdagdag pa  nito para mas marami pang pasahero ang maisakay nito, hindi lang sa MRT, kung hindi maging sa Light Rail Transit (LRT) rin. 

“Sa MRT kasi, I think, mag-add pa ng 4-train car, hindi ‘yong kung ano lang ‘yong 4-train car ang darating, ‘yon lang option namin. Sana lahat na lang, doon na sa 4-train car, para lahat ng tao ma-accommodate kapag rush hour,” panawagan ni Arvin. 

Hinggil naman sa halos 30 minuto niyang paghihintay, nakatayo lang daw sila sa pila nila sa platform. 

Kaya para sa kaniya, marami pa raw talagang dapat ma-improve sa transport system sa bansa, partikular sa crowd management at operasyon nito. 

Sa nasabing viral post ni Arvin, nagbahagi rin ng pagkadismaya ang ilang netizens sa personal nilang train commuter experience, kung saan, may ilan rin na naglatag ng kanilang suhestyon para masolusyonan ang kalbaryong ito. 

“Ang solution dyan, 1.Decentralize Metro Manila, 2. wag pareparehas oras ng trabaho para di mabigat ang rush hour, 3. madaming mode of Public Transpo.” 

“[M]ali [d’yan] ‘yong guards, dapat may coordination, stop muna ang pila sa escalator, dahil puno na ang platform.” 

“[P]oor security management din yan. [W]alang training ang security team. dapat may coordination ang platform security sa entrance security para hindi overcrowded ‘yong itaas. [K]ailangan pa sigurong may maaksidente bago aayusin yan. [C]rowd control and management lang hindi pa i-train ‘yong personnel nila.”

“This already needs an engineering solution. [N]o’ng ginawa ang MRT di nila naisip na dadami ang commuters, kaya ang liit ng mga ramp. [D]i kaya i-accommodate yung volume ng pasahero.”

“Ganyan eksena ko lagi dati nung onsite pa ako. Naiiyak ako sa hirap bago makapasok at uwi. 3hrs ang nilalaan ko papunta sa office at 3hrs pauwi. Pagdating ko ng bahay sa gabi tulog ako agad sa pagod. Thank God ngayon WFH na ako permanente.”

“Ngayon nyo sabihin madali pumasok sa work papasok pla lang ‘yan. Wala pa sa work mismo.” 

Sa kabilang banda, lubos na humihingi ng dispensa ang Department of Transportation (DOTr) sa kanilang pahayag noong Miyerkules, Enero 7. 

“The DOTr-MRT-3 sincerely apologizes to our passengers for the congestion and inconvenience they experienced yesterday morning, January 5, around 7:25 a.m,” ani DOTr. 

Saad ng ahensya, naiintindihan daw nila ang mga hinaing ng commuters at tiniyak nilang pananagutan nila ang nangyaring overcrowding sa istasyon ng MRT-3. 

“We acknowledge the concerns raised from the video circulating online and recognize that passengers were allowed to access the platform despite existing congestion, resulting in overcrowding when the incoming train arrived. We fully understand the discomfort and safety concerns this has caused and take responsibility for the situation,” pagkilala ng DOTr. 

Kaya sa kasalukuyan, nagsasagawa na sila ng masusing pagbabantay at koordinasyon sa iba pang opisyales ng MRT-3 para masiguradong hindi na ito muling mangyayari, lalo na sa oras ng rush hour. 

“Our personnel are intensifying monitoring and coordination on the ground to improve crowd management and ensure a safer, more orderly commute, especially during peak hours,” pagtitiyak ng ahensya. 

“Transportation Secretary Giovanni Lopez has already instructed MRT-3 General Manager Michael Capati to implement all necessary measures to prevent this incident from happening again,” dagdag pa nito. 

Sean Antonio/BALITA