January 09, 2026

Home BALITA Probinsya

Ashfall, namataan sa iba’t ibang parte ng Albay; mga residente, inaabisong mag-face mask

Ashfall, namataan sa iba’t ibang parte ng Albay; mga residente, inaabisong mag-face mask
Photo courtesy: Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST),Caloy G Baldo (FB)

Namataan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pagbagsak ng abo sa iba’t ibang local government units (LGUs) nitong Huwebes, Enero 8, mula sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon. 

Ang nasabing LGUs ay ang mga sumusunod: Legazpi City, Ligao City, Guinobatan, Bacacay, Camalig, at Anislag sa Daraga, Albay. 

Namataan din ng PHIVOLCS ang pagkakaroon ng dome-collapse pyroclastic density current (PDC) sa taluktok ng Mayon noong 6:51 AM ng Enero 8, kung saan, naglabas pa ito ng grayish co-PDC ash clouds, na umakyat sa tinatayang 1,000 metro, at nahawi sa direksyong west-northwest. 

Ayon pa sa PHIVOLCS, simula 12:00 AM ng Enero 8, 40 na ang naitala nilang PDC.

Probinsya

Babaeng hinihinalang lasing, nandura ng deboto ng Sto. Niño, nanakit din ng pulis!

Kaya kasalukuyan pa rin nakataas ang Alert Level 3 ang Bulkang Mayon, at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa six-kilometer Permanent Danger Zone (PDZ) nito dahil sa badya ng pagputok. 

KAUGNAY NA BALITA: Mayon Volcano, itinaas sa Alert Level 3 ng Phivolcs

Bilang pag-iingat, inabiso rin ni Camalig Albay Mayor Caloy Baldo sa mga residente na magsuot ng face mask o takpan ang ilong at bibig para maiwasan ang iritasyon sa baga na dulot ng ashfall. 

Matatandaang nagbaba rin ng direktibang preemptive at mandatory evacuation si Tabaco City Mayor Rey Bragais noong Martes, Enero 6, bilang tugon sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon. 

MAKI-BALITA: Preemptive at mandatory evacuation, ibinaba na sa ilang barangay sa Tabaco, Albay

Sean Antonio/BALITA