January 09, 2026

Home SHOWBIZ

'We are the prize!' Giit nina Mariel, Toni: Babae hindi dapat naghahabol sa lalaki

'We are the prize!' Giit nina Mariel, Toni: Babae hindi dapat naghahabol sa lalaki
Photo Courtesy: Screenshots from Bianca Gonzalez (YT)

Nagbigay ng pananaw ang dalawa sa “Kuya’s Angels” na sina Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga tungkol sa kung paano ba dapat itrato ng kalalakihan ang mga babae.

Sa latest episode kasi ng podcast ng kapuwa nila host na si Bianca Gonzalez kamakailan, sinabi nito ang ipapayo sa batang sarili pagdating sa pag-ibig.

Ani Bianca, “Ang ia-advice ko lang sa younger self ko, huwag mo nang habulin. Parang nahihiya ako sa sarili ko thinking now ‘yong ginawa kong paghahabol before trying to win person back. ‘Pag ginawa ng daughters natin ‘yon, ‘di ba?”

“I always think that,” segunda naman ni Mariel, “How am I going to tell her? At this age, sinasabi ko na sa kaniya. Girls never chase after boys. Never.”

Kiray Celis, humiling ng baby sa Poong Nazareno

Sinang-ayunan din ni Toni ang pahayag na ito ni Mariel. 

“Tayo ang hinahabol. We are the prize. We are the trophy,” sabi niya.

Dagdag pa ni Toni, “‘Yong ‘you have to earn the love,’ hindi mo kailangang i-earn ang love—”

“Because they have to prove themselves to you,” susog pa ni Mariel.

Kaya naman wini-wish ni Bianca na hindi gawin ng mga anak nilanng babae ang parehong pagkakamaling nagawa nila noong kabataan nila.