January 09, 2026

Home BALITA Politics

Walang basehan!' Solon, itinangging may parte sa 2026 nat'l budget ang impeachment para kay VP Sara

Walang basehan!' Solon, itinangging may parte sa 2026 nat'l budget ang impeachment para kay VP Sara

Itinanggi ng House Committee on Public Accounts ang alegasyon na may nakalaang pondo sa 2026 national budget para sa umano’y planong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay House Committee on Public Accounts Chairperson at Bicol Saro Party List Rep. Terry Ridon, walang sapat na batayan ang mga pahayag na ginagamit ang budget upang isulong ang impeachment.

 Ipinaliwanag niya na ang mga reklamong impeachment ay nakabatay sa pananagutan at paghahanap ng katotohanan, at hindi sa mga ipinapangakong proyekto.

“Tingin ko walang batayan para sabihin na there are funds being made available to impeach the Vice President... Impeachment proceedings naman po are not based on projects that are promised. Impeachment proceedings are based on quests for truth and accountability, particularly on the use of confidential funds,” pahayag ni Ridon.

Politics

Leviste, San Fernando, Barzaga binabansagang 'Makabagong GomBurZa'

Dagdag pa niya, malaya ang mga mambabatas at civil society na muling magsampa ng reklamo matapos ang isang taong pagbabawal, ngunit hindi aniya ito magiging dahil sa mga pangakong proyekto

 “If House members or civil society would want to file it again as soon as the one-year ban is finished, I think they are free to do so. And I don't think they will be motivated by any promises of any projects for 2026,” ani Ridon.

Samantala, sinabi ni Senadora Imee Marcos na tiyak umano ang paghahain ng panibagong impeachment complaint laban sa Bise Presidente kapag natapos ang one-year ban sa Pebrero 6. 

Muli rin niyang inulit ang hinala na ang sinasabing pork sa 2026 national budget ay gagamitin upang makakalap ng suporta para sa impeachment.

“Wala hong kaduda-duda magfa-file ng impeachment. Parang handang handa na eh. Kasi yun nga, napakadaming goodies sa ating giniling na pork na budget. Kahit sabihin nila na cleanest budget, ang tinign ko mataba pa rin eh,” ani Marcos.