January 09, 2026

Home BALITA Probinsya

Ulo ng sanggol na umano'y pinalaglag, 'minukbang' ng tuta!

Ulo ng sanggol na umano'y pinalaglag, 'minukbang' ng tuta!
Photo courtesy: Contributed photo

Isang pugot na ulo ng sanggol ang natagpuan matapos makita sa bibig ng isang asong gala sa upland barangay ng Campo 7 (Siete) sa bayan ng Minglanilla, Cebu.

Ayon sa mga residente, pinaniniwalaang nilapa at kinain ng tuta, kabilang ang isang inang aso, ang katawan ng bagong silang na sanggol.

Batay sa mga nakalap na salaysay ng mga awtoridad, nakita ang isang asong gala na may hawak na isang “bagay” sa bibig nito, na unang inakalang ulo ng manika. Kapareho rin umano ito ng hinala ng isa pang residente na si Judy Ubcial.

Nang lapitan nila ang aso, nahulog ang hawak nitong bagay mula sa bibig at doon nila nakita nang malapitan na ito ay ulo ng isang sanggol na puno pa raw ng likido at may bakas ng dugo. 

Probinsya

Babaeng hinihinalang lasing, nandura ng deboto ng Sto. Niño, nanakit din ng pulis!

Ayon sa kanila, malinaw na makikita ang mukha at ulo ng sanggol kaya pinaniniwalaan nilang bagong silang pa lamang.

Agad na naghanap ang mga residente sa posibleng kinaroroonan ng katawan ng sanggol ngunit tanging isang piraso ng tela na may bahid ng dugo at madulas na likido ang kanilang natagpuan malapit sa lugar. 

Dahil dito, inakala nilang kinain na ng mga aso ang natitirang bahagi ng katawan.

Samantala, ayon sa mga eksperto, hindi karaniwang kumakain ang aso ng tao o kapwa aso. Gayunman, kapag gutom na gutom ang isang hayop, kakainin nito ang anumang makikita para mabuhay.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Minglanilla Police, posibleng biktima ng aborsyon ang sanggol at itinapon lamang sa madamong lugar kung saan ito natagpuan ng mga aso.

Mariing kinondena ng mga awtoridad ang insidente at nangakong magsasampa ng kaso laban sa salarin, kabilang ang mga magulang kung mapatutunayang menor de edad ang responsable.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. Habang isinusulat ang artikulong ito ay napag-alamang nailibing na ang nasabing ulo ng sanggol.