January 24, 2026

Home BALITA

Pangilinan sa mga bagong abogado: 'Piliin ang maglingkod kahit na magulo'

Pangilinan sa mga bagong abogado: 'Piliin ang maglingkod kahit na magulo'
Photo Courtesy: Kiko Pangilinan (FB), JL Abrina/MB

Nagpaabot ng mensahe si Sen. Kiko Pangilinan para sa mga bagong abogado ng bayan matapos lumabas ang resulta ng 2025 Bar Examinations.

Sa X post ni Pangilinan nitong Miyerkules, Enero 6, pinaalala niya na tungkulin ng titulong “Atty.” na hindi lang basta-basta ibinibida.

“Welcome to the work of lawyering. Sa panahong parang walang batas at nilulunod ang bansa sa kurakot, hindi lang flex ang pagiging ‘Atty.’ Tungkulin ito,” saad ni Pangilinan.

“Kailangan kayo sa pamahalaan, sa mga korte, sa mga unyon, at sa mga pamayanan,” pagpapatuloy niya. “Piliin ang maglingkod kahit na magulo at hindi glamoroso.”

National

Zaldy Co, kailangan munang umuwi ng bansa kung nais tumestigo vs PBBM—Rep. Luistro

Dagdag pa ng senador, “Practice with integrity, consistency, and a bias for truth and social justice. Be lawyers who ask who benefits, who gets left out, and who pays the price. Then act.”

Bukod dito, ipinaalala rin ni Pangilinan na hindi natatapos ang pagiging abogado sa pagpasa sa Bar exam.

Aniya, “The Bar is not a finish line. It is a gate to what you can do. Nag-uumpisa pa lang ang exciting part. “

Samantala, tila tapik sa balikat naman ang hatid ng senador para sa mga nabigong makapasa sa nasabing pagsusulit.

“Not everything that fails is lost. Failing the Bar is not a final judgment on your intelligence, grit, or calling. It’s simply one snapshot, not the whole story,” ani Pangilinan.

Matatandaang umabot sa 5,594 ang mga nakapasa mula sa 11,000 na kumuha ng Bar exam noong Setyembre 2025. Katumbas ito ng 48.98% passing rate.