January 09, 2026

Home SHOWBIZ

Liza Soberano, sumagot sa bati ni Ogie Diaz; nagkaayos na nga ba?

Liza Soberano, sumagot sa bati ni Ogie Diaz; nagkaayos na nga ba?
Photo Courtesy: Screenshots from Showbiz Updates (YT)

Ibinahagi ni showbiz insider Ogie Diaz ang naging sagot umano ng dati niyang alagang si Liza Soberano sa pagbati niya sa kaarawan nito kamakailan.

Maki-Balita: Birthday wish ni Ogie kay Liza: Ma-achieve Hollywood dream, mapaligiran ng mga tamang tao

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Martes, Enero 6, sinabi ni Ogie na pinasalamatan umano siya ni Liza at hiniling pa nga raw nito ang makakabuti para sa pamilya niya.

“Alam mo, nag-message siya sa akin. Sumagot. Sabi niya, ‘Thank you, Tito Ogie. I hope you and the family are doing well.’ Thank you, Liza,” lahad ni Ogie.

'Kapag laos na, mag-vlogger na lang!' Sir Jack, binakbakan si Tuesday Vargas

Dahil dito, natuwa si Ogie. Tila palatandaan umano ito na walang dinadalang sama ng loob si Liza sa kaniya.

Aniya, “Ang tatanda na namin. Kumbaga, magtatanim ka ba ng sama ng loob? Once upon a time, naging anak mo ‘yan. Nabigyan ka rin naman ng magandang career because of Liza.”

“Lagi ko rin namang sinasabi if not for Liza, Diyos ko, ‘yong aking anak na si Miracle, sa’n ko huhugutin ‘yong mga panggastos sa ospital, ‘di ba?” dugtong pa ng showbiz insider.

Matatandaang inamin ni Liza sa isang panayam kay Boy Abunda noong Marso 2023 na may tampo umano siya sa dating manager na si Ogie matapos siya nitong tawaging ungrateful.

MAKI-BALITA: Liza, may tampo kay Ogie Diaz: ‘It feels like he’s trying to ruin me’