January 09, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

John Lloyd Cruz, kinompronta si Robi Domingo; muntik magkasuntukan?

John Lloyd Cruz, kinompronta si Robi Domingo; muntik magkasuntukan?
Photo Courtesy: Screenshot from Showbiz Updates (YT), Robi Domingo (IG)

How true ang umuugong na bali-balitang muntik umanong magkapisikalan nina award-winning actor John Lloyd Cruz at TV host Robi Domingo?

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Martes, Enero 6, inispluk ni showbiz insider Ogie Diaz ang nasagap niyang tsika tungkol sa nangyari umano sa kasal nina celebrity couple Zanjoe Marudo at Ria Atayde.

Anang showbiz insider, “Naalala n’yo no’ng December 23, sino ang kinasal nang walang nakakaalam? [...] Zanjoe Marudo at Ria Atayde. Alam n’yo ba do’n, pansinin n’yo walang mga cellphone lalo na sa reception. [...] kasi gusto ng dalawa mag-enjoy sila.”

“At isa nga sa nag-host ng reception ay si Robi Domingo,” pagpapatuloy niya. “Siyempre mga close friends ang nando’n, ‘di ba. [...] Maraming mga artista na nando’n. “

Tsika at Intriga

Grace Tumbaga, 'unbothered' this 2026: 'Karma hits harder than revenge'

“So, habang nagho-host si Robi nasambit niya kay Ria sa microphone, ‘How does it feel to be Mrs. Marudo?’ and si Zanjoe naman, ‘How does it feel to be Mr. Atayde?’ Siyempre, magkakaibigan sila. Tawanan. Wala namang napikon,” dugtong pa ni Ogie.

Ngunit pagbaba umano ni Robi sa stage, nilapitan siya ni John Lloyd. Kinompronta umano siya nito dahil sa sinabi kina Ria at Zanjoe na nakapukaw sa atensyon ng mga bisita.

“Biglang napalakas ‘yong boses ni John Lloyd. Kaya nakapukaw ng atensyon ng ibang bisita. Sabi raw ni John Lloyd, ‘Mali ‘yong sinasabi mo, ha. Napaka-inappropriate ‘yong sinabi mo. Okay lang ba sa ‘yo na tawaging Mr. Atayde?’” lahad ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Sabi ni Robi daw, ‘May isyu ba tayo? Bakit? Anong gusto mong mangyari?’ Pasugod daw si John Lloyd.”

Dahil dito, napatigil umano ang mga nagsidalong bisita. Sumentro ang atensyon nila sa nabubuong kaguluhan sa pagitan ng dalawa. Pero agad naman umanong lumapit si Donny Pangilinan upang pahupain ang namumuong tensyon.

“Feeling no’ng nakakita,” sabi ni Ogie, “nag-aabang lang si Robi kung uundayan siya ng suntok ni John Lloyd. Pero hindi naman nangyari kasi naawat din naman. Napakiusapan na ibigay kina Zanjoe at Ria ‘yong moment na ‘yon.”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon sina Robi at John Lloyd para itanggi o kumpirmahin ang naturang isyu. Bukas ang Balita para sa kanilang panig.