Isang opisyal ng pulisya ang nahaharap ngayon sa kasong administratibo dahil sa less grave neglect of duty at conduct unbecoming of a police officer, ayon sa National Police Commission (NAPOLCOM).
Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairperson at Executive Officer Rafael Vicente Calinisan, nag-ugat ang reklamo sa dalawang insidente na kinasasangkutan ng isang Police Brigadier General.
Una, ayon kay Calinisan, nabigo umano ang nabanggit na police officer na isumite ang kinakailangang psychiatric and psychological examination (PPE) report ng isang pulis sa Quezon City. Ang nasabing pulis ay humiling na sumailalim sa psychiatric at psychological assessment matapos siyang akusahan ng pagsasagawa ng seditious vlogging activities.
Ayon sa NAPOLCOM, “Such refusal directly undermines the Commission’s constitutional and statutory authority to exercise administrative control and supervision over the Philippine National Police.”
Ikalawa, kasama rin sa reklamo ang umano’y pagsasapubliko niya ng mamahaling sapatos na nagkakahalaga ng ₱70,599 habang suot ang uniporme ng Philippine National Police (PNP).
Binanggit ng NAPOLCOM na ang halaga ng naturang tsinelas ay halos katumbas ng isang buwang basic salary ng isang police brigadier general.
Ayon pa kay Calinisan, “This act raises serious concerns on modest living and ethical conduct, standards required of all public servants and most especially of senior police officers whose actions set the tone for the entire organization.”
Patuloy na dinidinig ng NAPOLCOM ang kaso laban sa opisyal.