January 24, 2026

Home SHOWBIZ Events

From on-screen to real life! Aktor na si Nico Antonio, abogado na!

From on-screen to real life! Aktor na si Nico Antonio, abogado na!
Photo courtesy: Quantum Films (FB)

Isa sa mga pumasa sa 2025 Bar Exams ang aktor na si Nico Antonio o Jerico Alonso sa tunay na buhay, batay sa inilabas na resulta ng nabanggit na pagsusulit para sa mga bagong abogado ng bansa.

Batay sa congratulatory post ng Quantum Films, isa nga si Nico sa mga pumasa sa Bar, na nasa ika-375 ng listahan.

"From Atty. Willie on screen to Atty. Nico Antonio in real life. WOW, nakaka-proud naman talaga!" mababasa sa caption ng post.

Ang nabanggit na karakter ay role ni Nico sa 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF) at 2nd Best Picture na "UnMarry" na pinagbidahan nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo.

Events

Bb. Pilipinas 1989 Sara Jane Paez, pumanaw na

Quantum Films naman ang nag-produce ng nabanggit na pelikula.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Nico tungkol dito. Congratulations!