January 24, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: Mga bagay na hindi dapat dalhin sa Traslacion 2026

ALAMIN: Mga bagay na hindi dapat dalhin sa Traslacion 2026
Photo courtesy: MB


Sa nalalapit na paggunita ng Traslacion 2026, asahan na ang pagdagsa ng mga deboto at mga Pinoy na may panata sa Poong Hesus Nazareno.

Kaugnay nito, dapat masiguro ang kapayapaan at kaligtasan ng bawat isa—kung kaya’t nagbaba ang Philippine National Police (PNP) ng ilang regulasyon hinggil sa pagdiriwang ng naturang pista.

MAKI-BALITA: Gun, liquor, firecracker ban itataas sa Maynila; higit 18k uniformed personnel ide-deploy para sa Traslacion 2026-Balita

Liban pa rito, nagbaba ng hiwalay na anunsiyo ang Manila Police District (MPD) patungkol naman sa mga bagay na hindi dapat dalhin kung makikilahok sa Pista ng Poong Hesus Nazareno sa Biyernes, Enero 9.

Narito ang mga ipinagbabawal na dalhin sa araw ng kapistahan:

1. Payong
2. Kutsilyo o anumang matutulis na bagay
3. “Firearms”
4. “Firecrackers” o “pyrotechnics”
5. Glass water container
6. Pantakip sa mukha (helmet, balaclava, cap, hoodie, visor)
7. Estardante o replika ng Poong Hesus Nazareno
8. Bag (kung talagang kailangan, magdala ng “transparent”)
9. Selfie stick
10. Alahas
11. Gadgets

Nag-abiso rin ang mga awtoridad na huwag nang isama ang mga sumusunod:

1. Mga buntis
2. Mga taong may sakit
3. Sanggol
4. Mga bata
5. Senior citizens

Vincent Gutierrez/BALITA