Tila isa ang Bar Examinations sa mga pagsusulit na talaga namang inaabangan at lubusang pinaghahandaan ng mga nais maging abogado ng bayan.
Noon lamang Setyembre 7, 10, at 14, 2025, isinagawa ang pinakahuling Bar Examination sa 14 testing centers sa buong bansa.
Ngunit tuwing lalabas ang resulta ng taunang pagsusulit na ito, tila iba-iba ang porsyento ng mga nakapapasa rito.
Narito ang Bar Examination passing rates sa nakalipas na isang dekada:
Taong 2015 - 26.21% (1,731 out of 6,605)
Taong 2016 - 59.06% (3,747 out of 6,344)
Taong 2017 - 25.55% (1,724 out of 6,748)
Taong 2018 - 22.07% (1,800 out of 8,155)
Taong 2019 - 27.36% (2,103 out of 7,685)
Taong 2020/2021 - 72.28% (8,241 out of 11,402)
Taong 2022 - 43.47% (3,992 out of 9,183)
Taong 2023 - 36.77% (3,812 out of 10,387)
Taong 2024 - 37.84% (3,962 out of 10,490)
At sa pinakahuling tala ng Korte Suprema, pumalo sa 48.98% ang passing rate ng 2025 Bar Examinations, kung saan nakapasa ang 5,594 na mga indibidwal mula sa 11,420 na kumuha ng pagsusulit.
KAUGNAY NA BALITA: Top 20 examinees ng 2025 Bar Exams, inilabas na ng Korte Suprema!-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA
ALAMIN: Bar Examination passing rates sa nakalipas na isang dekada
Photo courtesy: Unsplash