January 24, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Yukii Takahashi, ibinida pagtakbo nila ni Marco Gumabao

Yukii Takahashi, ibinida pagtakbo nila ni Marco Gumabao
Photo Courtesy: Screenshots from Yukii Takahashi (IG)

Ibinida ni dating “FPJ’s Batang Quiapo” star Yukii Takahashi ang unang pagtakbo niya sa 2026 kasama ang aktor na si Marco Gumabao.

Sa isang Instagram story ni Yukii kamakailan, mapapanood ang isang maikling video clip nila ni Marco matapos tumakbo ng 10 kilometro.

“First run of the year,” mababasa sa text caption.

Kamakailan lang ay lumutang ang usap-usapan na tila may namumuong relasyon sa pagitan ng dalawa.

Relasyon at Hiwalayan

Lea Salonga, hiwalay na sa asawa!

Ito ay matapos maitampok si Marco sa holiday recap ni Yukii sa Instagram post nito noong Huwebes, Enero 1.  

Maki-Balita: ‘Nilabas na!’ Marco Gumabao, Yukii Takahashi mag-jowa nga ba?

Pero sa kasalukuyan, wala pa namang nilalabas na pahayag o reaksiyon ang dalawa tungkol sa real-score nila. 

Matatandaang tila single na rin naman si Marco dahil maging si Cristine Reyes na noo’y nobya niya ay nauugnay sa political strategist na si Gio Tingson.

Maki-Balita: Hard launch? Gio Tingson, flinex na si Cristine Reyes sa IG