Inilabas na ng Public Information Office ng lungsod ng Maynila nitong Martes, Enero 6, ang ruta na susundin para sa gaganapin na Traslacion 2026, sa Biyernes, Enero 9.
Ayon sa abiso ng Maynila ang mga sumusunod na kalsada ang opisyal na ruta na dadaanan ng Poong Hesus Nazareno, na magsisimula sa Quirino Grandstand at magtatapos sa Simbahan ng Quiapo.
1. Quirino Grandstand
2. Katigbak Drive
3. Padre Burgos Ave. hanggang Finance Road
4. Ayala Bridge
5. Palanca St.
6. Quezon Blvd.
7. Arlegui St.
8. Fraternal St.
9. Kakanan sa Vergara St
10. Duque de Alba St.
11. Castillejos St.
12. Farnecio St.
13. Arlegui St.
14. Nepomuceno St.
15. Concepcion Aguila St.
16. Carcer St.
17. Hidalgo hanggang Plaza del Carmen
18. Bilibid Viejo hanggang Gonzalo Puyat
19. J.P. De Guzman St.
20.Hidalgo St.
21. Quezon Blvd.
22. Palanca hanggang Quezon Bridge
23. Villalobos St. hanggang Plaza Miranda
24. Quiapo Church
Sa kaugnay na ulat, idineklara ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. bilang special (non-working) day sa Maynila ang araw ng Enero 9 upang mabigyang-daan ang Pista ng Poong Hesus Nazareno.
Simula naman 9:00 AM ng Huwebes, Enero 8, naglabas na ng listahan ng mga kalsadang isasara at alternatibong mga daan ang Manila Police District (MPD) bilang paghahanda sa Traslacion 2026.
MAKI-BALITA: Updated! Road closures at re-routing ng mga sasakyan simula Enero 8, para sa Traslacion 2026
Sean Antonio/BALITA