January 11, 2026

Home BALITA Internasyonal

Salamat sa ref! 2 mangingisda, 3 oras palutang-lutang sa ilog dahil sa bagyo

Salamat sa ref! 2 mangingisda, 3 oras palutang-lutang sa ilog dahil sa bagyo
Photo courtesy: Screenshots from Amazonas Military Police via GMA News (FB)

Tatlong oras umanong nagpalutang-lutang sa ilog ang dalawang mangingisda matapos lumubog ang sinasakyan nilang canoe sa pananalasa ng bagyo sa Manacapuru, Brazil.

Ayon sa ulat ng GMA News, inabot ng malakas na hangin at alon ang maliit na sasakyang-dagat ng dalawa habang sila ay nasa gitna ng ilog, na nagpataob dito at tuluyang lumubog sa ilog. Dahil dito, napilitan silang manatiling nakalutang habang naghihintay ng saklolo.

Mabuti na lamang at may refrigerator na naanod din sa ilog sa parehong oras. Ginamit ito ng dalawang mangingisda bilang pansuporta sa kanilang katawan upang hindi tuluyang lumubog, habang patuloy na inaanod ng agos.

Matapos ang halos tatlong oras na pakikipaglaban sa agos ng ilog at sa masamang panahon, namataan ang dalawa ng Amazonas Military Police. Agad silang sinagip ng mga awtoridad at dinala sa ligtas na lugar.

Internasyonal

‘Be mindful!’ PH Embassy, nagbaba ng abiso para sa kaligtasan ng mga Pinoy sa Venezuela

Kinumpirma ng pulisya na ang dalawang mangingisda ay nasa maayos na kalagayan at walang malubhang pinsala. Patuloy namang pinaalalahanan ng mga awtoridad ang mga residente, lalo na ang mga mangingisda, na maging mas maingat sa paglalayag tuwing may masamang panahon upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.