January 08, 2026

Home BALITA National

Rep. Pulong sa lagay ni FPRRD: 'Long hair na siya!'

Rep. Pulong sa lagay ni FPRRD: 'Long hair na siya!'

Nagbigay ng update si Davao City. Rep. Paolo "Pulong" Duterte hinggil sa lagay ngayon ng amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na kasalukuyang nakakulong pa rin sa detention center ng International Criminal Court (ICC) dahil sa kasong crime against humanity.

Sa Facebook post ng vlogger na si "Alvin & Tourism" nitong Martes, Enero 6, ibinahagi ng kongresista ang naging kalagayan ng kaniyang ama sa pagbisita niyang muli sa The Hague, Netherlands.

Kasama ang kapatid na si Veronica "Kitty" Duterte, ikinuwento ni Cong. Pulong na hindi pa raw nakakakain ng tanghalian ang dating pangulo nang kanilang datnan sa ICC detention center.

Ayon pa sa kaniya, mahaba na ang buhok ng dating pangulo at halos buong umaga itong natulog bago sila dumating, dahilan upang doon pa lamang ito bumangon.

National

11M bata, target mabakunahan sa Ligtas-Tigdas Vaccination ngayong Enero

"Long hair na siya… wala na nagkaon paniugto kay natulog lang siya whole morning until nag-abot mi didto pa nagbango," anang kongresista.

Dagdag pa ng kongresista, bagama’t umuulan ngayon ng niyebe at napakalamig ng panahon sa The Netherlands, maayos at kontrolado naman ang temperatura sa loob ng detention facility. Tiniyak din niyang nasa maayos na kalagayan ang kalusugan ng kaniyang ama.

Bumati naman ng Happy New Year ang mambabatas sa lahat, lalo na sa mga tagasuporta ng kanilang pamilya, at patuloy na nagdarasal para sa dating pangulo.

Sa darating na Marso, mag-iisang taon nang nakakulong sa ICC si FPRRD. 

Noong Nobyembre, ibinasura ng ICC ang hiling na interim release sa kaniya.

Kaugnay na Balita: Apelang interim release ni FPRRD, ibinasura ng ICC