January 24, 2026

Home SHOWBIZ Teleserye

Rekta kay Lala Sotto: Vice Ganda nag-sorry sa MTRCB dahil sa natataeng contestant

Rekta kay Lala Sotto: Vice Ganda nag-sorry sa MTRCB dahil sa natataeng contestant
Photo courtesy: Screenshots from Kapamilya Online Live (YT)

Humingi ng paumanhin si Unkabogable Star Vice Ganda sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kasunod ng kontrobersiyal na pahayag na binitiwan sa isang segment ng "It's Showtime" kung saan nabubulalas nang diretsahan ng isang batang contender ang tawag ng kalikasan.

Sa naturang episode, tinanong ni Meme Vice ang contestant ng "Tawag ng Tanghalan Duets Resbakbakan" kids edition kung anong hihilingin nito “kung saka-sakali,” na sinagot naman ng bata ng “makatae po.”

"Ikaw Shawn anong hiling mo kung saka-sakali lang?" tanong ni Vice Ganda.

"Ahmmm, makatae po, natatae na po talaga ako."

Teleserye

Higop King Supremacy! Leading ladies na 'hinigop' ni Joshua Garcia sa teleserye

Natawa at nabigla naman ang hosts pati na ang madlang people subalit hindi pala nagbibiro ang bata. Pinayagan naman ni Vice Ganda na umalis ang bata para magtungo na sa palikuran.

Agad namang nagbigay ng mensahe si Vice Ganda sa MTRCB chairman na si Lala Sotto-Antonio.

"Miss Lala ako na po ang humihingi ng paumanhin, naramdaman po talaga no'ng bata, no'ng bata po ako nangyari rin sa akin 'yan buti siya nagsalita, ako po hindi kaya nilangaw na lang po ako," hirit na biro ni Vice Ganda.

Matatandaang napatawan ng suspensyon ang It's Showtime noong 2023 dahil sa insidente ng pagkain ng icing nina Vice Ganda at partner na si Ion Perez sa segment na "Isip Bata," at iba pa raw na paglabag na nagkapatong-patong na. 

Kaugnay na Balita: It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang MTRCB tungkol dito.