Isinapubliko na ni dating Kapamilya star Andrea Brillantes ang bago niyang boyfriend na si Franchesko Juan Capistrano.
Sa isang TikTok post kasi ni Franchesko kamakailan, ibinahagi niya ang video clip ng mga sweet moment nila ni Andrea.
“Have you ever been inlove?” sabi sa voice over ng video.
Saad naman ni Franchesko sa caption, “Absolutely.”
At nang i-repost ito ni Andrea sa kaniyang TikTok account, tila kinukumpirma na ng aktres ang relasyon niya kay Franchesko.
“Pwera usog pls lang,” komento ni Andrea sa post.
Matatandaang magkasamang sinalubong nina Andrea at Franchesko ang pagbungad ng 2026.
Sa Instagram story ni Franchesko noong Huwebes, Enero 1, makikita ang larawan nila ni Andrea na kuha sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Bagama’t walang anomang caption na nakalagay, nakalapat naman bilang background music "I Love You Secretly" ng American vocal group na The Miracles.
Para sa mga hindi nakakakilala, si Franchesko ay mula sa angkan ng mga negosyante sa Lucban.
Miyembro siya ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) at manlalaro ng Enderun Titans at San Juan Knights.
Maki-Balita: Andrea Brillantes, kasama rumored boyfie sa pagpasok ng 2026