Ibinaba na ni Tabaco City Mayor Rey Bragais ang direktibang preemptive at mandatory evacuation sa mga residente ng ilang barangay sa lungsod ngayong Martes, Enero 6, bilang tugon sa pagtaas ng alert level 3 sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Alinsunod sa City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) Advisory No. 02, s. 2026, ang mga nasabing barangay ay ang mga sumusunod:
- Magapo
- Buang
- Sitio Nagsipit (Mariroc)
Ayon pa sa advisory, narito ang rescue vehicles na nakatalagang gamitin ng mga residente, na mula sa mga karatig na barangay:
- San Antonio at Basagan para sa Brgy. Magapo
- Tabiguan at Oras para sa Brgy. Buang
- Comon at Pinagbobong para sa Sitio Nagsipit (Mariroc)
Inabiso rin ni Bragais sa publiko na manatiling alerto at mapagmatyag sa mga susunod pang update ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) hinggil sa kalagayan ng Mayon.
Sean Antonio/BALITA