Masayang ibinahagi nina Kapamilya host, Robi Domingo at asawang si Maqui Pineda sa kanilang pamilya, close friends, at fans, ang kanilang pagbubuntis, kasabay ang second wedding anniversary nila.
Sa Instagram ng mag-asawa, makikita ang snippets ng moments nilang mag-asawa sa mga nagdaang taon bilang tribute sa isa’t isa para sa kanilang wedding anniversary tribute.
Kasama rin dito ang raw clip noong Setyembre 2025, na unang malaman ni Robi na buntis ang asawa.
“Two years married… and now our greatest blessing is on the way. Happy 2nd anniversary! We’re ready to give you all our love ,” caption ni Maqui.
Kasama rin sa video ang candid reactions ng malalapit nilang kaibigan at mga kaanak sa kanilang pregnancy announcement.
Ilan pa sa mga nagkomento sa post ay sina Ria Atayde, Janine Gutierrez, Cassy Legaspi, at theater actor na si Poppert Bernadas.
“So so happy for you guys!! Congratulations ”
“Congratulations you guys!!!!! ”
“AHHHH CONGRATULATIONS ”
“Waaa CONGRATS @iamrobidomingo !!!!!!!!!!!”
Sean Antonio/BALITA