January 24, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Kung sino-sino lang kasi nakaupo sa Pinas eh!' John Manalo, inokray glass walkway sa Benguet

'Kung sino-sino lang kasi nakaupo sa Pinas eh!' John Manalo, inokray glass walkway sa Benguet
Photo courtesy: John Vladimir Manalo, WOW Cordillera (FB)

Usap-usapan ang naging reaksiyon ng dating "Goin' Bulilit" star na si John Manalo tungkol sa umano'y under construction na glass walkway sa La Trinidad, Benguet.

Ibinahagi ni John ang isang post mula sa "WOW - Cordillera" patungkol sa first-ever glass walkway sa La Trinidad, Benguet na sinasabing makaaakit sa mga turistang dayuhin ang lugar.

Mababasa sa post na hindi na raw kailangan pang pumunta sa Vietnam ang China ang sinuman dahil nasa Pilipinas na ang glassway.

"A coming soon attraction in La Trinidad, Benguet is a glass walkway that features a transparent glass floor supported by sturdy steel frames and beams, designed to give visitors a thrilling, see-through view of the landscape below."

Tsika at Intriga

'Di nila gets ang pressure!' Mikee Quintos, inungkat 'pabigat' issue sa group work noong college

"At the far end of the walkway rise large sculpted hands, envisioned as a symbolic and artistic centerpiece that will serve as a striking visual landmark and a popular photo spot once the project is completed."

"A glass walkway attraction is a high-altitude, transparent pathway, often built along cliff edges or in scenic parks, featuring reinforced glass flooring that creates the illusion of walking on air."

"These structures, such as the one at Mt. Camisong Forest Park in Benguet provide panoramic views of landscapes while offering a thrilling, adrenaline-pumping experience."

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens, sa mismong post.

"The Idea of glass walk is nice but how can it be unique kung ginaya ang concept ng Da Nang Vietnam sa golden bridge nila sayang naman Philippines always fan of Imitating things hahaha."

"I think it would be better if mountains or strawberries instead of hands.. to have some originality."

"It's more beautiful no agmula more ti kayo/trees. Baguio and Benguet should be saturated with trees/pine trees not buildings/houses/structures, just my personal opinion."

"Maganda po yan para sa pag akit ng ekonomiya ang tanong Sa panahon ngayon madalas na ang paglindol safe pa po ba yan?"

"Maganda at exciting sana yan kung mataas talaga ang elevation nya. Yun kc talaga ang thrill ng glasswalk. Kung mababa lang ay walang thrill. Just my opinion lang naman."

"Maganda pero assure the strength of concrete, steel post and enough handrail, kasi sigurado marame Ang Tao Jan…. Maayos na pamalakad, limitahan Ang Tao na aakyat alternate… Thanks po. Safety 1st."

Samantala, ibinahagi naman ni John ang nabanggit na post at kinomentuhan sa caption. Tinawag niyang "jejemon ang Pilipinas dahil mas marami pa raw puwede sanang gawin kaysa lagyan ito ng glassway. Tila nanghinayang din ang aktor sa ganda ng Cordillera.

Hirit pa niya, "kung sino-sino" raw kasi ang nauupo sa Pilipinas o namamahala sa pamahalaan, kaya tila ganito raw ang nangyayari.

"Jejemon talaga ng Pinas. Ganda ganda ng cordillera eh. Dami pwedeng gawin. Kung sino sino lang kasi nakaupo sa Pinas eh. Sobrang jeje anlala," aniya.

Photo courtesy: John Vladimir Manalo/FB

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang lokal na pamahalaan ng La Trinidad, Benguet tungkol dito.