January 09, 2026

Home SHOWBIZ

Jake Zyrus, kamukha raw ng erpat niya?

Jake Zyrus, kamukha raw ng erpat niya?
Photo courtesy: Jake Zyrus (IG)

Tila ikinatuwa ng singer na si Jake Zyrus ang naging komento ng isang netizen sa kaniyang post na kamukha niya raw ang kaniyang tatay. 

Ayon mga larawang ibinahagi ni Jake sa kaniyang Instagram post kamakailan, makikita ang ilang moments niya sa pagdiriwang ng Bagong Taon. 

“[N]ew year. nothing fancy. no pressure. just glad to be alive,” mababasa sa caption ni Jake. 

Jake Zyrus (IG) 

Tsika at Intriga

Anak ni Anjo Yllana, humingi ng dispensa sa tirada ng ama sa ‘Eat Bulaga’

Dahil dito, hindi napigilan ng isang netizen na supporter at fan ni Jake magkomentong kamukha raw niya ang tatay niya, ayon sa larawang ibinahagi ng nasabing singer. 

“Kamukha mo na Tatay mo Jake,” saad ng IG user na nagngangalang Jason Barrera. 

Nag-reply naman sa naturang komento si Jake, “@iamjasonbarrera ” 

Tila ikinagulat naman ng netizen ang pagpansin sa kaniya ni Jake at muli itong nagbigay ng mensahe sa singer. 

“OMG nag reply ka.. sorry to remind ur father. I love you Jake.. I’m avid fan of urs since 2009. All ur albums i know the melodies and lyrics. From star music, international album to Japan album.. and some of ur recent released as JZ,” ani Jason. 

“[O]h no it’s all good! love talking about my dad. thank you so much,” sagot naman ni Jake. 

Samantala, hindi naman na nag-reply pa si Jake sa mga karagdagang pang komento ng kaniyang fan. 

MAKI-BALITA: Jake Zyrus sa amang namayapa: 'Sana nandito ka, turuan mo pa ako ng mga bagay-bagay'

MAKI-BALITA: Handa ka na ba? Jake Zyrus, 'balik-loob' sa roots niya!

Mc Vincent Mirabuna/Balita