January 26, 2026

Home BALITA National

'It's certainly the sneakiest!' Sen. Imee, kinontra si SP Sotto na 'one of the cleanest' ang 2026 nat'l budget

'It's certainly the sneakiest!' Sen. Imee, kinontra si SP Sotto na 'one of the cleanest' ang 2026 nat'l budget
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Tila hindi kumbinsido si Sen. Imee Marcos sa komento ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na isa umano sa “pinakamalinis” na budget ang isinapinal ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., noong Lunes, Enero 5, 2026. 

“I know the 2026 budget is by far the cleanest ever but it seems the President wants it squeaky clean. He even highlighted the Senate provision that prevents political patronage by politicians,” saad ni Sotto noon ding Lunes. 

Ayon naman kay Imee, sa panayam sa kaniyang ABS-CBN News Channel (ANC) nitong Martes, Enero 6, sinabi niyang malinaw raw na “sneakiest” ang napirmahang budget ngayong 2026. 

“Marami akong comment, ayaw kong makipag-disagree pero the reality is the claim that it was the ‘cleanest’ is prone to challenge—it’s certainly the sneakiest,” pagsisimula niya, “Kumbaga ‘yong pork, tinadtad-tadtad, pinarte-parte, at binaha-bahagi pero kahit giniling pa ‘yan, ang pork [ay] baboy pa rin.” 

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

Pagtutuloy ni Imee, inisa-isa niya ang mga nakikita raw niyang dahilan kung bakit niya natawag na “sneakiest” ang national budget ngayon. 

“Kaya very fatty po ang budget natin. We can see as commented by so many. Unang una, the foreign assisted projects which are the large projects that we saw… need,” aniya. 

Dagdag pa niya, “In the DOTr [Department of Transportation], for example, ‘yong mahiwagang traffic… ‘Yong Metro Manila Subway wala nag pag-asa. ‘Yong North-South commuter train, wala na rin sa DOTr.” 

Ani Imee, marami rin umanong mga proyekto mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang wala nang pag-asa. 

“Also, we have the DPWH. The big projects there. They have the Metro Manila Pumping Stations na alam naman natin, wala nang pag-asa rin. ‘Yong Malabon, Caloocan, hanggang sa Navotas, parati na lang binabahagi. Konting ulat, pati Senado, pambihira. Saka ‘yong mga tulay. Cavite to Bataan,” saad niya. 

Idiniin din ng senador ang usapin tungkol sa umano’y isyu sa Farm-to-Market Road (FMR) na proyekto ng Department of Agriculture (DA). 

“Ano ang nilagay? Ito na nga mga porky, ito nang mga giniling na taba na nagmula sa mga FMR. Ako, talagang advocate sa agriculture and yet itong Farm-to-Market Road [ay] more than double. Ibig sabihin, talagang naging ‘Farm-to-Pocket Road’ kaya?” tanong niya. 

Pinasaringan din ni Imee ang umano’y paglobo pa ng pondo para sa ayuda sa taumbayan. 

“Saka ‘yong mga ayuda. Kay dami-dami namang ayuda. Ako, hindi ako against ayuda. We know everyone needs a helping hand particularly when there’s a storm, a disaster, man-made or otherwise. Certainly, everyone needs a leg up… kaya lang bakit lumobo nang ganiyang kalaki [ang pondo]?” tanong niya. 

Bukod dito, binalikan din ni Imee ang pagtanggi niya tungkol sa usapin sa pondo ng Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) na dapat sana umanong ibinigay na lang sa mga lokal na pagamutan. 

“Higit sa lahat… ‘yong MAIFIP ng DOH. Ipinaglalaban ko noon, sana ibigay na lang sa mga local hospitals. Sa tagal kong governor, naghihikahos lahat ng local hospitals. Bakit ibibigay na naman per district sa iba’t ibang mga politika?” pagdidiin niya. 

“Ang Pilipino ba, kailangang lumuhod sa politiko para magamot, para makapasok sa hospital, para makalabas ng hospital? Parang sa akin, hindi ata tama ‘yon,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si SP Sotto hinggil sa mga sinabi ni Sen. Imee. 

MAKI-BALITA: Sen. Imee sa umano’y ‘pambababoy’ sa 2026 budget: ‘Ang pork kahit gilingin, baboy pa rin!’

MAKI-BALITA: Mahalaga, masimulan? DepEd, 'di umaasang matatayo 24,000 classroom sa 1 taon!—Sec. Angara

Mc Vincent Mirabuna/Balita