January 09, 2026

Home BALITA National

Inflation rate sa Pinas, bahagyang bumilis noong Disyembre 2025

Inflation rate sa Pinas, bahagyang bumilis noong Disyembre 2025
Photo courtesy: MB


Pumalo sa 1.8% ang inflation rate sa bansa noong Disyembre 2025, ayon sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa inilabas na Summary Inflation Report Consumer Price Index ng PSA nitong Martes, Enero 6, makikita na bahagya itong tumaas kumpara sa naitalang 1.5% noong Nobyembre 2025.

Gayumpaman, umabot lamang ang average inflation ng bansa sa 1.7% para sa taong 2025—nananatiling mas mababa sa target range ng gobyerno na 2% hanggang 4%

Photo courtesy: PSA

Base pa sa datos na inilabas ng ahensya, bumagal ang inflation rate sa Metro Manila, kung saan naitala ang 2.3% noong Disyembre 2025, mas mababa kontra sa 2.8% noong Nobyembre 2025.

National

Triple jackpot! 3 lotto bettors panalo sa Super Lotto 6/49, Lotto 6/42



Hindi tulad sa mga lugar sa National Capital Region (NCR), lumobo ang inflation rate sa labas ng Metro Manila sa 1.7% noong Disyembre 2025, kumpara sa 1.2% noong Nobyembre 2025.

Ayon sa PSA, ang pagtaas ng inflation noong huling buwan ng 2025 ay dahil sa mas mabilis na “year-on-year increment” sa ilang produkto katulad ng pagkain, non-alcoholic beverages, at iba pa.

“The uptrend in the overall inflation in December 2025 was mainly due to the faster year-on-year increment in the index of the heavily-weighted food and non-alcoholic beverages at 1.4% during the month from 0.1% in November 2025,” saad ng PSA.

“Also contributing to the uptrend of the headline inflation was the faster annual increase in the index of clothing and footwear at 2.2% in December 2025 from 1.8% in the previous month,” dagdag pa nila.

Vincent Gutierrez/BALITA