Humahanap ng “blood donor” ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez, matapos ipabalitang sasailalim ang kaniyang ina sa isang open heart surgery.
Sa kaniyang social media story na ibinahagi niya noong Lunes, Enero 5, sinabi niyang isasagawa ang naturang operasyon sa Miyerkules, Enero 7.
“Kumakatok po ako sainyong mga puso, it may be too much to ask, but if anyone here would be willing to donate blood for my mom, it would mean so much and could help save her life. She will have open heart surgery on Wednesday and we are in need of blood,” ani Sue sa kaniyang Instagram (IG) story.
Sinabi rin ng aktres na maa-appreciate niya ang mga dasal para sa kagalingan at kalakasan ng kaniyang ina.
“Please please message me if you are willing and able. Maraming maraming salamat!” aniya.
“If you can’t donate blood, prayers for her healing and strength would be deeply appreciated. Thank you so much!” dagdag pa niya.
Inilatag din ni Sue sa nasabing story ang mga kwalipikasyon para sa mga “eligible blood donors.”
“Blood types B+, B-, O+, O- are eligible to donate with no alcohol intake for at least 48 hours,” saad niya.
Vincent Gutierrez/BALITA