Idineklara ang Biyernes, Enero 9, 2026 bilang special (non-working) day sa lungsod ng Maynila alinsunod sa Proclamation No. 1126 na inilabas ng Malacañang, mula kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Batay sa dokumento, isinasaad na ang deklarasyon ay kaugnay ng pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno na gaganapin sa nasabing petsa.
Dagdag pa sa dokumento, inaasahan ang pagdagsa ng milyon-milyong deboto sa Quiapo at sa iba’t ibang bahagi ng Maynila, dahilan upang magpatupad ng mga hakbang para sa kaayusan at daloy ng trapiko.
Ayon pa sa proklamasyon, hiniling mismo ng pamahalaang lungsod na ideklara ang nasabing petsa bilang special non-working day upang matiyak ang maayos na pagproseso ng mga deboto at mapadali ang daloy ng sasakyan:
“WHEREAS, in order to ensure orderly procession of devotees and to facilitate the flow of traffic, the City of Manila requests that Friday, 09 January 2026 be declared a special (non-working) day," mababasa rito.
Pormal na ipinahayag ang deklarasyon sa bahagi ng dokumentong pirmado ni Acting Executive Secretary Ralph G. Recto:
Nilagdaan ang proklamasyon nitong Martes, Enero 6. Inaasahang makatutulong ang deklarasyon upang mas maging maayos ang selebrasyon ng Traslación at matiyak ang kaligtasan ng mga deboto at ng publiko sa kabuuan ng okasyon.