January 09, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Anak may pneumonia! Nikko dasal 'wag mawalan ng trabaho, pagkakakitaan

Anak may pneumonia! Nikko dasal 'wag mawalan ng trabaho, pagkakakitaan
Photo courtesy: Nikko Natividad/FB

Nagbigay ng update ang aktor na si Nikko Natividad tungkol sa kalagayan ng kaniyang anak, matapos itong makaranas ng seizure kamakailan habang kumakain sila sa isang restaurant sa Japan.

Sa social media post ni Nikko noong Enero 3, sinabi niyang nag-seizure ang anak nila ng misis na si Cielo at hindi raw niya naiwasang hindi mataranta.

Kaugnay na Balita: Tumirik-mata, kumulay violet! Anak ni Nikko Natividad, nag-seizure habang kumakain sila sa resto

Linggo, Enero 4, nagbigay ulit ng update si Nikko na nasa maayos na kalagayan na ang anak.

Tsika at Intriga

Grace Tumbaga, 'unbothered' this 2026: 'Karma hits harder than revenge'

"Maharot na ulit. Salamat sa prayers nyo," pasasalamat ni Nikko sa mga nagdasal para sa anak.

Sa panibagong post nitong Martes, Enero 6, sinabi ni Nikko na may pneumonia ang bata; mabuti na lamang at hindi pa umano ito malala.

Ayon sa aktor, patuloy nilang binabantayan ang kalusugan ng kaniyang anak at nagpapasalamat na maagap ang naging tugon sa kondisyon nito. Sa kaniyang mensahe, ipinahayag ni Nikko ang kaniyang lakas ng loob at pananalig habang hinihikayat ang anak na manatiling matatag.

"Nag ka pneumonia sya. Pero buti at hindi pa malala. Be strong bebelove," aniya.

Hindi rin napigilang maging bukas ni Nikko sa mas mabigat na realidad ng pagiging magulang, lalo na pagdating sa usaping pangkalusugan at gastusin. Aminado siyang isa sa palagi niyang ipinagdarasal, ang patuloy na pagkakaroon ng trabaho upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya, lalo na sa oras ng karamdaman.

"Kaya palagi kong dasal ang good health at syempre wag ako mawalan ng trabaho o pagkakakitaan dahil napaka hirap ng walang pampagamot dahil wala naman taong hindi tinatamaan ng sakit," aniya pa.

Umani ng simpatiya at suporta mula sa netizens ang post ni Nikko, na nagpaabot ng kanilang dasal at pagbati para sa mabilis na paggaling ng kaniyang anak. Marami rin ang nagpahayag ng pag-unawa sa kaniyang pinagdadaanan bilang isang magulang na inuuna ang kalusugan at kapakanan ng pamilya.

"Kaya ang advice ko palagi na keep warm specially galing tayo sa tropical country. Our body react pag sobrang lamig. Wag bigla maghuhubad agad pag nakapasok sa mainit na place from cold. Mag in-in muna bago maghubad. Para mag-relax ang body from cold to hot hot to cold. Praying for you baby nikko. Pareho tayong galing japan."

"Same situation.. yung 2y/o ko nagka Pneumonia rin mabuti at naiuwi pa namin sa Pinas at dito na-confine. Pero nilalagnat at inuubo na rin siya nun out of country trip namin. Hope you get well soon baby."

"Uso talaga influenza then pneumonia.. season yan ngayon.. ingat po tayo.."

"Sobrang sakit para sa mga magulang na makita sa ganitong kalagayn Ang mga anak natin."

"Siguro kuys iwas muna isama anak mo o kayo gumala season talaga ng flu and infection ngayon, lalu na sa edad ng baby mo hindi pa nya kaya yung mga sakit ngayon sa labas."