January 09, 2026

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Ano ang ‘Three Kings’ Day’ at bakit nasa Enero ito?

ALAMIN: Ano ang ‘Three Kings’ Day’ at bakit nasa Enero ito?
Photo courtesy: Unsplash

Matapos ang pagkahaba-habang holiday season sa bansa, opisyal nang minarkahan ng Feast of the Epiphany o Three Kings’ Day ang pagtatapos nito ngayong Martes, Enero 6.

Para sa mga Katoliko, ang komemorasyon ng Three Kings’ Day ay mula sa ebanghelyo ni Mateo, na ikinukuwento ang istorya ng tatlong hari o magi na sina Melchor, Gaspar, and Baltazar, at ang pagbisita nila sa sanggol na si Hesus para mag-alay ng kanilang mga regalong ginto, kamangyan at mira.

Ang regalong ginto ay sinisimbolo ang kadakilaan at kaharian na nakatakda sa sanggol na si Hesus; ang kamangyan ay simbolo ng Kaniyang kadakilaan at pagsasakripisyo; at ang mira ay sumisimbolo sa Kaniyang buhay at pangako ng buhay na walang hanggan. 

Habang ang paglalakbay ay sumisimbolo naman sa pagkilala ng mga tao kay Hesus bilang tagapagligtas. 

Mga Pagdiriwang

Sa tulong ni Señor Bro: 51-anyos na lalaki nasagasaan ng truck, nasaksak, na-stroke pa pero buhay pa rin

Sa ilang lugar sa Pilipinas, ipinagdiriwang ang Three Kings’ Day sa pamamagitan ng mga misa sa simbahan, na partikular sa tatlong hari. 

Sa mga probinsya tulad ng Pampanga, Cebu, at Ilocos, nagdadaos sila ng mga pista, street performance, tradisyunal na mga sayaw, at paggawa ng mga parol para alalahanin ang gampanin ng tatlong hari sa pagdadala ng liwanag at pag-asa. 

Kinikilala rin ang Three Kings’ Day bilang Pasko ng Matatanda, para kilalanin ang katalinuhan at kaalaman na ibinabahagi ng senior citizens sa lipunan. 

Bagama’t hindi kinokonsidera bilang opisyal na holiday sa bansa, ang Three Kings’ Day ay selebrasyon na nagmamarka sa pagtatapos ng mahabang panahon ng Kapaskuhan sa bansa, sa pagpasok ng Ber Months.

Nagpapaalala rin ito sa mga Pinoy na ang pagpasok ng bagong taon, ay panibagong pagkakataon para magpakita ng kabutihan, pagbibigyan, at pagmamahal sa iba–katulad ng ginawang bukas-palad na pagbibigay ng tatlong hari. 

Sean Antonio/BALITA