January 28, 2026

Home BALITA National

ALAMIN: Alert level ng iba pang aktibong bulkan sa bansa

ALAMIN: Alert level ng iba pang aktibong bulkan sa bansa

Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na itinaas nila sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon, kasunod ng pagguho ng pyroclastic density current (PDC) o “uson” mula sa bulkan nitong Martes, Enero 6, 2026.

Maki-Balita: Mayon Volcano, itinaas sa Alert Level 3 ng Phivolcs

Kaugnay nito, narito ang alert level ng iba pang aktibong bulkan sa Pilipinas, base sa impormasyon mula sa PHIVOLCS:

BULKANG KANLAON (Alert Level 2)

Nasa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon mula pa noong Hulyo 29, 2025, na matatagpuan sa mga lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental.

National

Relax lang? Sen. Imee, nagsumite ng resolusyon para sa mga senador vs Chinese embassy

BULKANG TAAL (Alert Level 1)

Ayon sa PHIVOLCS, nasa Alert Level 1 ang Bulkang Taal sa Batangas mula pa noong Hulyo 11, 2022. 

BULKANG BULUSAN (Alert Level 1)

Ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon ay nasa Alert Level 1 mula pa noong Abril 28, 2025.

Samantala, ayon sa PHIVOLCS na patuloy silang nagsasagawa ng monitoring at assessment ng mga aktibong bulkan sa bansa.