Usap-usapan sa social media ang social media posts ni Optimum Star Claudine Barretto na nagdudulot ng pagtataka sa mga netizen.
Una na rito ang komento niya sa isang Threads post ng isang mahihinuhang afam na Asian.
Mababasa sa post ng nabanggit na dayuhan, "Met at 19, married at 24, divorced at 40. My late father told me, 'You wasted your best years (your 20s).' I want my father to see this. Me, 45. Right now, I am in the best moment of my life."
Makikita naman ang komento ni Claudine gamit ang verified Threads account.
"Dear im 46 an Actress in the philippines im single but happy.thank u look great but im really busy.Happy New Year."
Photo courtesy: Claudine Barretto (Threads) via Fashion Pulis
Sa isa pang post, sinabi ni Claudine na na-dislocate ang left knee ng anak na si Santino kaya kailangan niya ng kape. Pero ang mas pinagtataka pa ng mga netizen, bakit daw lumang larawan niya ang inilakip sa nabanggit na post.
"I Need 3 Espressos [cup of coffee emoji]. Santino dislocated his left knee.pls pray for him," mababasa sa post ni Claudine.
Photo courtesy: Claudine Barretto (Threads) via Fashion Pulis
Kaya naman, napapaisip tuloy ang mga netizen kung legit social media account ba ito ni Clau, o kung siya ba talaga ang personal na nagpo-post sa account.
Napapatanong din ang mga netizen kung wala ba siyang social media manager.
"Wala bang social media manager to? Tawang tawa ako sayo te."
"I'm sorry, pero tawang tawa ako sa mga comments HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! (Anyways hoping for your full recovery Santino)."
"Claudine is not social media savvy so keep scrolling if you see something weird."
"Ganito nangyayari kapag walang socmed manager ang mga artista at pag ang artista mismo may hawak ng socmed nila hahaha ;) swerte lang talaga nung iba."
"Claudine anuba lol"
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Claudine tungkol dito.