January 06, 2026

Home BALITA National

'Walang bawas, walang kulang!' Mga politiko, ekis nang mahawakan ang pamimigay ng ayuda—PBBM

'Walang bawas, walang kulang!' Mga politiko, ekis nang mahawakan ang pamimigay ng ayuda—PBBM
Photo courtesy: via MANILA BULLETIN

Diretsahan at muling ipinagdiinan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang pagtatanggal ng mga ayuda sa kamay ng mga politiko upang direkta na itong maipamahagi sa mga Pilipino.

Sa pagpirma ni PBBM sa 2026 national budget nitong Lunes, Enero 5, 2025, iginiit niyang hindi na dadaan sa mga politiko ang pamamahagi ng ayuda, cash man o hindi.

“Politicians shall be barred from the distribution of any financial aid and we shall ensure that the support reaches the intended beneficiaries without patronage. Walang bawas, walang kulang,” ani PBBM.

Samantala, kaugnay pa rin ng bitbit na "transparency" sa 2026 national budget, binigyang-diin pa  ng Pangulo na may mahigpit na proseso at “triggers” bago magamit ang mga unprogrammed appropriations. 

National

Kahit labag sa Int'l law? Kiko Barzaga, umapela ng 'foreign intervention' gaya raw ng nangyari sa US-Venezuela

"The unprogrammed appropriations are not blank checks. We will not allow the unprogrammed appropriations to be misused or treated as a backdoor for discretionary spending," anang Pangulo.

Magagamit lamang daw ang pondong nasa ilalim ng unprogrammed appropriations kapag may mas malinaw nang paglalaanan nito na dadaan pa sa masusing balidasyon.

"Its utilization is provided with safeguards and is only available when clearly defined triggers and tests are met, and will be released only after careful validation," saad ni PBBM.

Inirerekomendang balita