January 07, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Vice Ganda, tinawag na 'echusera' babaeng nag-video sa kaniya sa airport: 'Kilala niya ko!

Vice Ganda, tinawag na 'echusera' babaeng nag-video sa kaniya sa airport: 'Kilala niya ko!
Photo courtesy: Screenshot from Kapamilya Online Live (YT)/Screenshot via "Jessamine" via Danico Ramos (FB)/Jayson Remoroza (TikTok)

Tila "dinogshow" ni Unkabogable Star Vice Ganda ang kinasangkutang viral video niya kamakailan, sa pamamagitan ng Monday episode nitong Enero 5, 2026.

Usap-usapan sa social media ang kuhang video ng isang content creator na nagpapakita kay Vice Ganda habang nasa airport, at hinahabol para batiin subalit hindi niya mabanggit ang pangalan.

Sa kuhang video ni "Jessamine," makikitang hinahabol-habol niya si Vice Ganda habang kinukuhanan ng video, pero hindi niya masambit ang pangalan nito matapos na tila makalimutan.

Maririnig sa video, "Si ano 'to... artista ito, si ano 'to... uy... ito 'yong sikat na artista sa Pilipinas," saad ng content creator.

Tsika at Intriga

'Kung sino-sino lang kasi nakaupo sa Pinas eh!' John Manalo, inokray glass walkway sa Benguet

Makikita naman sa video na nagmamadali rin si Vice Ganda habang dala-dala ang mga maleta niya.

"Uuwi ka na ng Pinas? Happy New Year!" tanong pa ulit ng content creator.

Sagot naman ni Vice, habang natatawa, "Happy New Year po, hindi n'yo nga ako kilala ate eh."

"Hindi, basta nakikita kita sa TV eh," habol pa ng content creator, subalit maririnig na may nagsasabi nang "Tama na" sa kaniya.

Makikitang tuloy-tuloy namang lumakad si Vice Ganda kasama ang iba pa.

Mababasa naman daw sa caption ng post, "Nakalimutan ko name ni Vice Ganda pero namansin pa rin kahit parang Nag tampo o galit. Ewan ko bakit nakalimutan ko name niya. EAT Bulaga ksi ang Pinapanood ko."

Kaya nitong Lunes, tila "kinasangkapan" ni Vice Ganda ang pagsagot sa isyu sa pamamagitan ng isang contestant ng "Laro Laro Pick" segment na tila kamukha raw ng content creator.

Hirit ni Vice Ganda, "Kamukha mo 'yong nagbi-video sa 'kin sa airport."

Nagtawanan at nagpalakpakan naman ang madlang people, at maya-maya, nag-reenactment si Meme sa nangyari.

"'Ay kilala ko 'to eh, sikat 'to eh, sikat 'to eh... ang taray! Artista 'to eh, sikat 'to eh, artista 'to eh."

"Tapos echusera hindi raw niya alam ang pangalan ko, eh kitang-kita ko siya no'ng nakita niya 'ko. Sabi niya, 'Ay si Vice Ganda.' Tapos vinideo ako. Ang layo ng nilakad niya girl ha, talagang binuset niya talaga 'ko, 'Ay sikat 'to eh... ayoko nang ikuwento 'yong buo, maba-bash ka lalo 'day," dugtong pa ni Vice Ganda.

"Kinontent ako girl... eh nagmamadali ako, male-late na ako sa ano eh [flight]," paliwanag pa ni Vice Ganda.

Kaugnay na Balita: 'Si ano 'to... sikat na artista sa Pilipinas!' Vice Ganda inintrigang nagtampo, nagalit sa nakalimot sa pangalan niya