January 06, 2026

Home BALITA Politics

'Salamat sa libre!' Rep. Barzaga, Rep. San Fernando, biniyayaan ng kopya ng budget insertions ni Rep. Leviste

'Salamat sa libre!' Rep. Barzaga, Rep. San Fernando, biniyayaan ng kopya ng budget insertions ni Rep. Leviste
Photo courtesy: Eli San Fernando/FB

Ibinahagi nina Batangas 1st district Rep. Leandro Leviste at Kamanggagawa Partylist Rep. Eli San Fernando ang pagkikitang naganap sa kanila kasama si suspended Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga.

Sa ibinahaging larawan ni San Fernando sa kaniyang Facebook account noong Linggo, Enero 4, 2025, pinasalamatan niya si Leviste dahil sa umano'y panlilibre daw sa kanila.

"Pwede naman palang maging masaya ang kwentuhan kahit iba-iba kayo ng pananaw. Iba talaga kapag may mga mayayamang kaibigan. Salamat sa libre, Leandro!" ani San Fernando.

Samantala, sinabayan naman ni Leviste ng pagbati niya ng Bagong Taon ang pagkumpirma na bnigyan na raw niya ng kontrobersyal na listahan ng flood control insertions ang nasabing dalawang mambabatas.

Politics

Pagkakawatak-watak sa politika, hindi matatapos sa 2026—Jay Costura

"Mapayapang Bagong Taon sa inyong lahat! May kopya na rin pala ng listahan ng flood control project insertions sina Congressman Kiko Barzaga at Eli San Fernando - Kamanggagawa Partylist," ani Leviste.

Matatandaang nasa kamay ni Leviste ang listahan ng mga umano’y budget insertions sa maanomalyang flood control projects na ngayo’y tinagurian na ring “Cabral files.” Ayon kay Leviste, kusang-loob daw ibinigay sa kaniya ng yumaong si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Catalina Cabral ang mga kopya ng nasabing listahan.

Maki-Balita: 'I vehemently deny that!' Rep. Leviste, tinangging sapilitang kinuha 'Cabral Files'

Si Cabral ay pumanaw noong Disyembre 2025 matapos umanong mahulog sa bangin sa Kennon Road. Isa siya sa mga itinuturing na susi upang mapangalanan ang mga indibidwal na sangkot sa mga insertion at korapsyon sa flood control projects.

KAUGNAY NA BALITA: Dating DPWH Usec. Cabral, pumanaw matapos mahulog umano sa bangin