January 07, 2026

Home BALITA Probinsya

Off-duty uniformed personnel, kinilala sa pagsagip ng batang nalulunod sa swimming pool

Off-duty uniformed personnel, kinilala sa pagsagip ng batang nalulunod sa swimming pool
Photo courtesy: Philippine Coast Guard (FB)

Kinilala ang katapangan ng isang uniformed personnel dahil sa pagsagip sa isang batang nalulunod sa swimming pool, sa isang resort sa Cabatangan, Zamboanga City, noong gabi ng Enero 4, 2026. 

Base sa post ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Lunes, Enero 5, ang nasabing personnel ay kinilalang si PO3 Al-Shier Alimuddin PCG, na kasalukuyang naka-assign sa Coast Guard Sub-Station Siasi. 

Ayon sa PCG, mga bandang 8:36 PM, si Alimuddin ay nasa family gathering sa isang resort sa Cabatangan, nang ma-alerto siyang may batang nalulunod sa swimming pool ng resort.

Kahit naka-off-duty, hindi raw nag-alinlangan na agad sumaklolo si Alimuddin. 

Probinsya

Preemptive at mandatory evacuation, ibinaba na sa ilang barangay sa Tabaco, Albay

Nang matagpuan na unresponsive na ang bata, ginamit ng opisyal ang kaniyang kaalaman sa basic life support (BLS), kasunod ang paggamit ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) para mailigtas ang buhay ng bata. 

Dahil sa agarang pagkilos at kaalaman sa life-saving intervention, nakatulong si Alimuddin na maibalik ang vital signs at pulso ng bata, bago ito dalhin sa ospital para gamutin.

Sa kasalukuyan, ang bata ay naiulat na nasa stable nang kondisyon. 

“The timely and selfless actions of PO3 Alimuddin PCG performed even while off duty—underscore the PCG’s enduring commitment to the preservation of life and public safety, embodying the Bagong Pilipinas' core value of readiness to serve anytime and anywhere,” pagkilala ng PCG kay Alimmudin at sa katapangan nito. 

Sean Antonio/BALITA