Direktang hinamon sa isang debate ni dating Ilocos Sur governor Luis "Chavit" Singson sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Leyte 1st District Representative Martin Romualdez kaugnay sa usapin ng maanomalyang flood-control projects.
Ayon sa isinagawang press conference ng kampo ni Chavit nitong Lunes, Enero 5, nagbigay siya ng mensahe sa tinawag niyang “former friend” na si PBBM at kay Romualdez.
“I have another message to my former friend Bongbong Marcos,” pagsisimula niya.
Dagdag pa niya, “Honorable Bongbong Marcos ang Speaker Martin Romualdez, with your permission, I’m going to Malacañang alone to challenge you into a debate about this press [conference] with all the media as a witness.”
Pagpapatuloy ni Chavit sa nasabing press conference, pupunta raw siya sa lalo’t madaling panahon para pag-usapan ang dahilan kung bakit nandoon pa rin umano sina PBBM at Romualdez sa Palasyo.
“ASAP. Sinasabi ko na ngayon. Kung bukas ang sinabi nila, pupunta ako sa Malacañang if they accept my challenge,” saad niya.
“Kung anong rason nila na bakit nandyan pa sila [sa Malacañang], ‘yon, mag-dedebate pa kami doon,” diin pa niya.
Samantala, nauna na ng ipahayag ni Chavit ang panawagan niya sa iba’t ibang religious group para sa pinaplano niyang ikasang malawakang kilos-protesta.
“We will schedule a “one time big time” rally. And nakikiusap ako sa lahat ng religious organization, lahat ng nagmamahal sa ating bansa, lahat ng ayaw sa katiwalian, in graft and corruption,” ‘ika niya.
“Lahat inaanyayahan ko kayo pero magtatanong ako kung kailan ‘yon but it should be ASAP and we will march to Malacañang,” pagtatapos pa niya.
Wala pa namang inilalabas na pahayag ang Pangulo at si Romualdez kaugnay rito.
MAKI-BALITA: Abogado, tutuldukan 'fairy tales' niya! Raul Rocha, tinawag na 'delusional fool' si Chavit?
MAKI-BALITA: 'Kung ‘di siya magbibitiw, I’m dead sure, mapapatalsik ‘yan!'—Chavit kay PBBM
Mc Vincent Mirabuna/Balita