January 07, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'I don’t have to explain myself to anyone!' BINI Jhoanna, nag-repost sa kabila ng dating rumor kay Skusta Clee

'I don’t have to explain myself to anyone!' BINI Jhoanna, nag-repost sa kabila ng dating rumor kay Skusta Clee
Photo courtesy: BINI Jhoanna Robles (IG)/via MB

Ipinagpapalagay ng mga netizen na may kinalaman sa umano'y "dating rumor" sa rapper-singer na si Skusta Clee ang ginawang pag-repost ni Jhoanna Robles, lider ng Nation's girl group na "BINI," sa answer post pa niya sa X noong Oktubre 7, 2025.

Usap-usapan nga sa iba't ibang social media platforms lalo na sa Reddit ang tila umano'y pagkakapareho raw sa mga flinex na lugar sa Vietnam nina BINI Jhoanna at Skusta Clee, nang magkahiwalay, kaya naman, iniintriga ng mga malisyoso at marites na netizens na umano'y magkasama sila. 

"Exactly the same place: Temple of Literature (J standing, S sitting, parehong first pic and both have the identical bonsai pot). Same area: Old Quarter, Hoan Kiem (J night food street + ice cream, S “see you again” neon signage). Same area: French Quarter, Hoan Kiem (J busy daytime intersection, S french-style balconies),” sey ng isang netizen.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens na mababasa sa comment section ng post ni BINI Jhoanna.

Tsika at Intriga

'Kung sino-sino lang kasi nakaupo sa Pinas eh!' John Manalo, inokray glass walkway sa Benguet

"Luhhh, di porket same destination sila, may something na? 8080 pa rin kayo kahit 2026 na. Emew."

"Live life, Jho~ Tama lang 'yung 2026 mantra mo. Don't let anyone ruin your happiness & your peace. Loveee youuu always."

"Idebunk mo na yung issue, Jho. Malala na masyado. Please magsalita ka na. Alam ko hindi totoo yan. Matalino kang tao."

"Kaya ba 'I choose my own happiness...' ang motto for 2026? Wala naman talaga kaso kung matino yung lalaki eh, pero kung totoo man, bakit siya."

"I love you, Jho. Basta tiwala ako sa choices mo at alam kung pinalaki kang maayos ng mama jhona mo."

"Respect yourself, beh. Wag naman magjowa ng tarantadong manchild."

"Hahhaahaha. Chaka ng taste."

"kailangan mo na magbigay ng statement denying the rumor, masyado ng lumalaki."

Wala namang mababasa sa comment section ng Instagram post ni Skusta Clee dahil naka-turn off ito. Pero sa ibang posts, doon bumanat ang mga nang-uurirat na netizens.

"bat inoff mo comments mo sa vietnam post? takot ka bang kuyugin ka ng blooms?"

"papansin si Koya. Sinadya na magpapic sa same loc na pinuntahan ni Jho. Kapal ng mukha. wala kang chance kay Jho."

"paldo si idol"

"iba ka talaga ya"

"Anong meron sa inyo ni BINI Jhoanna?"

Bagama't wala pang direktang opisyal na pahayag tungkol sa isyu, usap-usapan naman ng mga netizen ang pag-repost ni Jhoanna sa lumang X post niya noong Oktubre 2025.

Mababasa rito, "What keeps my heart strong is knowing that God knows my heart."

"People can say whatever they want, they can make stories or judge without knowing the truth but at the end of the day, God sees everything and that’s enough for me."

"Kasi as long as my intentions are pure and my heart is right, I don’t have to explain myself to anyone."

Photo courtesy: Screenshot from Jhoanna Robles/X

Samantala, narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens sa nabanggit na reposted X post.

"I love you, Jho."

"mahirap po ba sabihin na 'hindi totoo yung rumor?'"

"Yep. It’s not your duty to explain yourself in the first place. God knows you best, and so do the people around you. We know you well. Hindi mo kailangan mag-explain. Hindi natin sila bati."

"I love you with all my heart, we're always here to defend you."

"Whether the rumors are true or not, I still support you. Do whatever makes you happy. You do you, I trust your judgment. People can say nasty things which reflect on who they truly are."

"Will never listen to the unnecessary noise. We love you, Jho! Always."

Si Skusta Clee ay dating karelasyon ng social media personality na si Zeinab Harake, na ngayon ay misis na ng Fil-Am basketball player na si Bobby Ray Parks, Jr.

Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ng dalawang artists tungkol sa isyu.

Kaugnay na Balita: Solo travel... together? BINI Jhoanna at Skusta Clee, iniisyung magkasama sa Vietnam