January 07, 2026

Home BALITA National

'Flood control projects budget sa 2026, mas 'specific' sa foreign assisted projects!'—DBM Sec. Toledo

'Flood control projects budget sa 2026, mas 'specific' sa foreign assisted projects!'—DBM Sec. Toledo
Photo courtesy: PCO (FB)

Nilinaw sa publiko ni Department of Budget and Management (DBM) Sec. Rolando Toledo na mayroon pa rin daw budget na nakalaan para sa flood control projects ngunit nakatuon na umano ito sa foreign assisted project. 

Ayon sa isinagawa press briefing ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Lunes, Enero 5, kasama si Toledo ang iba, sinagot niya ang tanong kung may nakalaan pa bang budget para sa flood control projects sa kabila ng mga anomalyang sumulpot tungkol dito noong 2025. 

“Mayroon pa rin tayong budget for flood control but it is specific for foreign assisted projects only,” pagsisimula niya, “That’s around 15.7 billion.”

Ani Toledo, may mga kontrata na raw na dapat sundin at maimplementa ang isang flood control project na naaayon sa plano nito. 

National

Kahit malayo sa Pinas: Christmas ni Harry, merry!

“Because mayroon na tayong mga kontrata na dapat sundin at dapat ma-implement ‘yong project according to the plan, as far as the project is concern,” saad niya. 

Hindi naman naisa-isa pa ni Toledo ang mga flood control project na nakatakdang isagawa ngayong 2026 at maaari daw itong makita ng publiko kapag inupload na nila ang General Appropriations Act o GAA. 

“We will publish naman na ‘yong ating GAA. So you can browse it through our GAA, what are those flood control projects under the foreign assisted project,” paliwanag niya. 

“Right now, I don’t have a copy of a specific project for flood control,” pagtatapos pa niya. 

 Matatandaang pormal nang pinirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang General Appropriations Act (GAA) para sa Fiscal Year (FY) 2026 sa ginanap na seremonya sa Malacañang nito ring Lunes, Enero 5, 2026. 

Dahil dito, opisyal nang naisabatas ang Republic Act (R.A.) No. 12314 kaugnay sa ₱6.793 trilyong national budget ng bansa para sa taong 2026.

MAKI-BALITA: ALAMIN: Mga item na na-veto ni PBBM mula sa 'Unprogrammed Appropriations' ng 2026 nat'l budget

MAKI-BALITA: Exec. Secretary Ralph Recto, kumpiyansang ‘pork barrel-free’ ang national budget 2026

Mc Vincent Mirabuna/Balita