January 08, 2026

Home BALITA Metro

Bitbit pagiging ex-PNP Chief? Torre, nais ibala '5-mins response' sa mga aksidente sa daan

Bitbit pagiging ex-PNP Chief? Torre, nais ibala '5-mins response' sa mga aksidente sa daan
Photo courtesy:via MANILA BULLETIN

Muling minamatahan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III ang konsepto ng pagkakasa ng agarang pagresponde— ngayong hawak na niya ang nasabing ahensya.

Sa panayam ng media kay Torre nitong Lunes, Enero 5, 2026, iginiit niyangbinabalak niyang ipatupad sa MMDA ang 5-minute response sa mga aksidente sa kalsada.

“Dapat ang mga aksidente na 'yan mabilis nang mapuntahan, maimbestigahan at malinis,” ani Torre.

Paliwanag pa niya, “Five minutes sa responde, 15 minutes sa clearing para wala nang obstruction kaagad. Susubukan kung paano papabilisin dahil magdadagdag din kami [ng] personnel, magte-training din kami ng mga personnel.”

Metro

Binatilyong may autism, patay sa sunog!

Kaugnay naman ng pagpapabuti sa lagay ng trapiko, iginiit ni Torre na nakasalalay daw sa engineering at infrastructure ang primaryang sagot sa nasabing problema.

Aniya, “Yung traffic nagsisimula talaga 'yan sa engineering and infrastructure ang magdadala niyan and then education. Third ang enforcement.”

Sinagot din ni Torre kung ano raw ang dapat asahan ng taumbayan sa kaniyang magiging liderato sa MMDA.

Dagdag pa niya, "Sa tingin kong i-expect ng ating mga kababayan ay titingnan natin lahat ng mga stakeholders, kakausapin natin lahat ng stakeholders para lahat ay may involvement sa mga gagawin natin."