January 07, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Birthday wish ni Ogie kay Liza: Ma-achieve Hollywood dream, mapaligiran ng mga tamang tao

Birthday wish ni Ogie kay Liza: Ma-achieve Hollywood dream, mapaligiran ng mga tamang tao
Photo courtesy: Ogie Diaz (FB)/Liza Soberano (IG)

Nagpahayag ng birthday wish ang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz para sa dating alagang si Liza Soberano para sa kaarawan ng huli.

Nagdiwang ng kaniyang 28th birthday si Liza noong Linggo, Enero 4.

Mababasa sa My Story ni Ogie na hangad daw niyang maabot ni Liza ang mga pangarap niya sa Hollywood.

Bukod dito, sana raw, mapaligiran siya ng mga taong tao para mas mabilis na maabot ito.

Tsika at Intriga

'Kung sino-sino lang kasi nakaupo sa Pinas eh!' John Manalo, inokray glass walkway sa Benguet

"Happy bday, Liza Soberano! Sana ma-achieve mo ang dream mo to make it big in Hollywood! Sana ay mapaligiran ka din ng mga tamang tao para mas mabilis mo siyang ma-achieve! Love you, Hopie!" aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Ogie Diaz/FB

Samantala, sa kaniyang social media posts, nagpasalamat naman si Liza sa lahat ng mga bumati sa kaniya. 

"Thank you for all the birthday greetings. I may not be able to respond to each and every one of you but please know they are deeply appreciated!! I have so much more to say but for now here are some photos from this shoot I produced back home in the Philippines with the best team," aniya.

Matatandaang noong 2023, naging usap-usapan ang naging panayam ni Asia's King of Talk Boy Abunda kay Liza Soberano pagdating sa mga naging desisyon nito sa kaniyang career, kabilang na ang pagkalas niya sa pangangalaga ng dating talent manager.

Umikot kasi kay Ogie ang ikalawang bahagi ng pasabog na panayam, kung saan idinetalye ni Liza ang tungkol sa kanilang commission at pagtatampo niya rito.

Sey pa ni Ogie, marami nga raw ang nangumusta sa kaniya, pero sinagot naman niya sa Facebook post na okay lang daw siya.

"Thank you sa pangungumusta ng mga kaibigan, lalo na yung mga nakakakilala sa akin nang malaliman."

"Okay lang po ako. Appreciate it so much!!"

"Habang yung iba, nangungumusta, pero nangungutang ang mga potah! Hahaha!" pabirong hirit pa ni Ogie.

Kaugnay na Balita: Ogie Diaz, kinumusta ng mga kaibigan matapos ang part 2 pasabog ni Liza